HABAMBUHAY na kulong ang parusang iginawad ng Taguig City regional trial court sa tatlong drug trafficker na naaresto noong 2011 at nakuhanan ng dalawang kilo ng high-grade cocaine.
Maliban sa kulong, pinagbabayad din ni Judge Antonio Olivete ng Taguig City RTC Branch 267 sina Jose Vastine, Edilberto Ty at Alberto Joaquin Ong ng P500,000 multa at kailangan pang sumailalim sa anim na buwang rehabilitation program.
Ikinatuwa naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang desisyon ng korte.
“We’ve always been confident that the people would win this litigation,” sabi ni Cayetano. “This is a fitting conclusion. It is proof that the city is committed to the safety and well-being of Taguigeños.”
Naaresto sina Vastine, Ty at Ong sa buy bust operation pitong taon na ang nakararaan. Nakuha sa kanila ang dalawang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P10 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.