Aktres halos masuka sa kahalikang male star, sobrang baho ng hininga | Bandera

Aktres halos masuka sa kahalikang male star, sobrang baho ng hininga

Alex Brosas |September 05,2018
facebook
share this

Aktres halos masuka sa kahalikang male star, sobrang baho ng hininga

Alex Brosas - September 05, 2018 - 12:15 AM


USAPANG babae lang dapat ang nangyari, pero kung bakit at paano lumabas, walang nakakaalam. Basta lumabas ang kuwento tungkol sa pagpipista ng mga kababaihang artista tungkol sa mga artistang lalaking naka-kissing scene na nila.

Kani-kanyang kuwento sila, kani-kanyang karanasan at kani-kanyang komento rin, na sinusundan nila nang malalakas na halakhakan.

Chika ng aming source, “Iba-iba kasi ang naging experience nila sa mga ginawa nilang kissing scene. Sabi ng isang girl, ang masarap daw ka-kissing scene, e, ‘yung isang hindi na masyadong bagets, pero guwapo pa rin, kasi raw, marespeto siyang humalik.

“Saka ang bangu-bango raw ng hininga ng hindi na kabataang aktor, talagang sisimsimin mo, dahil amoy baby ang hininga niya. Kaya kahit daw inabot ng take three ang eksena nila, e, hindi namroblema ang girl.

“Kung ganu’n ang kuwento ng unang girl, ang ikalawang girl naman, e, nagsabi na ‘yung isang naka-kissing scene niyang hunk actor ang pinaka-yuck!

“Ang ganda-ganda raw kasi ng body ng ka-kissing scene niya, buo naman ang mga teeth, pero nu’ng sumigaw na ng action si direk, e, parang gusto na niyang ipa-cut agad ang eksena!

“Sobrang syoho daw kasi ang hininga ng hunk actor, bukod pa sa sobrang baho ng amoy ng katawan. Mas malansa pa kuno sa isda ang amoy ng body niya, nakakalasing sa baho!

“Ang hininga niya naman, e, parang muriatic acid sa sobrang lakas! E, dream sequence pa raw naman ang ginawa nilang eksena, kaya ang nangyari, parang naging malaking bangungot ‘yun para sa girl!

“Hindi na raw sa bibig nanggagaling ang mabahong hininga ng hunk actor, sabi pa ng girl, dahil buo naman ang mga ngipin niya. Malaki ang duda ng girl na sa bituka na ‘yun nagmumula, halitosis na, dahil mahilig palang uminom ng kung anu-anong gamot ang guy para mapanatiling maganda ang kanyang body.

“May lahing foreigner ang hunk actor, siguradong ‘yun na talaga ang singaw ng katawan niya dahil mahilig siyang kumain ng mga spicy foods,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na siguro kung sinu-sino ang dalawang aktor na bumibida sa mga kuwentong ito, pramis!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending