100 days maternity leave para sa healthy future workers

By Alan Tanjusay September 04,2018
share this

100 days maternity leave para sa healthy future workers

By Alan Tanjusay September 04,2018
share this

MATAPOS ang halos isang dekadang pagkatulog sa Kamara at Senado, umusad patungong third and final reading ang 100-day Extended Maternity Leave bill.

Employer groups are strongly against the bill because they think the it would require them to spend more for their pregnant women employees. The Social Security System (SSS) executives are also against dahil sa takot na it might affect the fund life of the system.

Sa kasalukuyan, mayroon tayong 60-day paid maternity leave for normal childbirth delivery and 78-day paid maternity leave for caesarian section childbirth delivery.

Pero dahil sa pag-aaral ng mga experts, kinakailangan pang mag-bonding nang matagal ang mother and her baby, at para na rin mai-breastfeed nang maayos ang sanggol, at makapag recover nang husto ang katawan ng mga working moms.
The original proposal was 120-day maternity leave but employers and business groups said they would rather not hire women workers because of the long period of production loss and additional cost on them.

Kaya naman naibaba sa 100-day bilang compromise sa pagitan ng mga nagsusulong ng bill at mga negosyante. Kaya ayun umusad na rin!

Pero kung tutuusin, bukod sa quality bonding ng sanggol at ina at tamang recovery period for mothers, isang investment din maituturing ang pag-aapruba ng 100-day maternity bill.

Dahil kung sapat sa bonding ang mag-ina, maayos at malusog ang mga bata bilang future workforce ng ating bansa.

Dahil naayos na ang mga debate at gusot ng bill sa second reading, inaasahan natin na papasa na ito sa 3rd reading hanggang sa magkita ang House at Senate para i-reconcile ang kani-kanilang versions ng panukala, at nang tuluyang maihanda para sa pirma ng pangulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending