Ice Seguerra nagpa-check up, sumailalim sa fertility test | Bandera

Ice Seguerra nagpa-check up, sumailalim sa fertility test

Julie Bonifacio - September 04, 2018 - 12:25 AM

ICE SEGUERRA AT LIZA DIÑO

HINDI maubus-ubos ang projects ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino.

After ng successful 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, heto at may pa-challenge ang FDCP in partnership with the Department of Tourism.

Ni-launch ng FDCP at DOT headed by Atty. Guiller Asido ang kanilang proyekto na “We Are Intramuros Short Film Festival.” Ito ay 24-hour filmmaking challenge na magpapakita ng kagandahan ng Intramuros at maging ng Filipino values.

Magbibigay ang FDCP ng seed money o allowance sa 10 entries na mapipili para maging kalahok sa We Are Intramuros Short Filmfest.

Ang mga kalahok ay dapat Filipino citizens at students sa Metro Manila. Bubuo sila ng production team na gagawa ng short film na tatakbo lang ng 3 to 5 minutes.

One day lang ang ibibigay sa kanilang schedule para mag-shooting sa Intramuros, pero suportado nga ng FDCP ang 10 mapipiling kalahok mula sa gagamiting cameras, editing ng short films at iba pang kailangan sa production.

Kailangan lang mag-submit ng proof of concept sa FDCP bago ang deadline sa Sept. 20 para sa mapipiling 10 entries.

Nag-follow-up naman kami kay Chair Liza ng update sa plano nila ni Ice Seguerra na magka-baby, “Haaay, Diyos ko! That’s another topic! Si Ice papunta ata ngayon for the consultation, gusto namin siyang ituloy.”

May check-up daw that day si Ice sa doctor, “Naku! Sasabihin ni Ice kinuwento ko na naman. Ha-haha! Basta today ‘yung check-up niya, kung fertile or what. At least, we’re making small steps. Kahit paano may nangyayari na. May nagsimula na,” diin niya.

Inamin pa ni Chair Liza na nag-uumpisa na rin silang mag-ipon ni Ice para sa treatment na ia-undergo nila to have a baby. Need nila ng mahigit isang milyong piso para magka-baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi ano, ‘di ba pareho kaming nasa gobyerno last year? So, talagang wala kaming ipon. Kasi ang sweldo dito sa gobyerno minus the tax, I mean, meron kaming lifestyle na na-maintain na before we became government workers. So, nag-suffer ‘yun at ngayon pa lang ulit bumabalik lahat ng mga show ni Ice,” lahad pa niya sa amin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending