Snooky: 19 years akong pumupunta sa psychiatrist! | Bandera

Snooky: 19 years akong pumupunta sa psychiatrist!

Jun Nardo - September 01, 2018 - 12:30 AM

ILANG dekada na nagtiis si Snooky Serna sa mga bansag sa kanyang Pagong Queen, Pagona at iba pang pangungutya dahil sa umano’y mabagal niyang pagkilos at pagdating ng late sa showbiz commitments.

Pero lingid sa kaalaman ng marami, meron pa siyang tinatawag na dysthymia disorder.

Ayon sa Google, “dysthymia is a serious state of chronic depressein, which persists for at least two years (one year for children and adolescents base sa fourth edition ng Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders published in 1994. Dysthymia is less acute and severe than major depressive disorder.”

“Para siyang kindergarten level ng bipolar. Sabi ng psychiatrist bata kasi ako nag-start (magtrabaho sa showbiz). ‘Yung pressure. Stress.

“Nineteen years akong pumupunta sa psychiatrist,” pahayag ni Snooky nang makausap ng press.
Ang disorder niyang ito ang dahilan kung bakit pumayag siyang ma-feature ang kuwento niya sa episode na “Ang Babae sa Likod ng Blusang Itim: The Ups and Downs of Snooky Serna” ngayong Sabado sa Magpakailanman.

Halu-halo na raw ang dahilan ng pagkakaroon niya nito. Bata pa lang kasi siya ay sumubak na siya sa pag-aartista, “Parang I did not have a normal childhood ayon sa psychiatrist. Mga problems na dumating sa buhay. Saka it runs pala sa family namin,” lahad pa ng aktres.
May kinalaman din daw sa kanyang sakit ang pagiging premature baby niya dahil lumabas siya nang anim na buwan at 20 days lang.

“Ito ang mapapanood sa Magpakailanman pero sabi ko sa kanila, ang i-tackle sa akin ay ang mental challenge ko. I’ll take the risk kung anuman ang reaksyon ng mga tao.

“Basta ako, if I’m able to help one person, ‘yun bang mawala ‘yung fear niya of seeing a doctor and if it will make another person better, kahit isa lang ang manood, I would have done my purpose.

“Gusto ko namang maging purposeful ang life story ko, hindi gossipy lang,” dahilan niya.
Naging turning point daw na nagpatingin siya nang makagat siya ng ahas habang ginagawa ang pelikulang “Madonna, Ang Babaeng Ahas.” Pero hindi naman daw siya dumating sa point na naging suicidal siya dahil sa depresyon.

“Thank you at hindi naman. Napunta ako sa depression pero hindi suicidal!” diin ni Snooky.
Si Snooky ang gaganap bilang siya sa MPK at makakasama niya rito sina Gary Estrada, Reese Tuazon at Mart Escudero. Lalabas naman bilang ina niyang si Mila Ocampo si Gloria Diaz.

Magpakailanman is hosted by Kapuso veteran broadcast journalist Mel Tiangco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending