BEACH wedding ang gusto nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sakaling magdesisyon na silang lumagay sa tahimik.
Inamin ng magdyowa na napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa pagpapakasal pero hindi pa raw ito mangyayari in the near future.
“Sinabi ko naman sa kanya (Kathryn), basta not too late and ‘yun lang basta not too late sa lahat. Siyempre ayaw naman natin na mapag-iwanan din. Mahirap din kung masyado nang ma-late (mag-asawa),” ang pahayag ni Daniel sa panayam ng Magandang Buhay.
“Oo naman po, napag-uusapan naman namin (ang kasal), pero hindi naman ibig sabihin na nasa point na pinagpaplanuhan na, hindi pa naman ganu’n ang level,” hirit pa ni DJ.
Singit naman ni Kath, “Parang sine-share lang ‘yung thoughts namin. Kung ano ang gusto namin, ‘yun open lang kami sa ganu’n.”
Natanong din ang magdyowa kung napag-uusapan na rin ba nila ang tungkol sa pagkakaroon ng baby, ang sagot ni DJ, sa pelikula lang daw nila napagchikahan ang tungkol sa anak, na ang tinutukoy nga ay ang latest movie nilang “The Hows Of Us” under Star Cinema.
Samantala, tungkol naman sa pag-amin nila kamakailan na five years na ang kanilang relasyon, inamin ni Kath na medyo lumuwag na ang pakiramdam nila ni DJ dahil wala na silang kailangang iwasan pa kapag natatanong about lovelife.
Chika ni Kathryn, “Pero ever since parang open-secret sa lahat, kinonfirm lang, pero alam naman nila…sinabi niya (Daniel) noong press con kasi nga paulit-ulit nila tinatanong parang minsan hindi mo alam kung paano iibahin na naman ‘yung sagot.”
“Parang pangit na ito kung idi-deny na naman eh ‘yun na, ‘yun na lang ang kulang. I think ikinasaya naman ng lahat,” sey pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.