SPEAKING of Marlo Mortel, may bilin daw ang ina sa kanya bago mamaalam kasabay ng pag-amin na hindi pa siya handa sa pagkawala nito.
“Pinilit ko lang siyang kausapin nang kausapin kasi, I don’t want to let her go pa dahil hindi pa ko ready, and umaasa pa din ako na may miracle pa rin,” sey ni Marlo.
“Ang bilin talaga niya is, mahalin ko ang work ko kaya nalulungkot ako ngayon na wala, wala na kong babalitaan na mommy ngayon,” dagdag ng binata. Sa katunayan bago tuluyang mamaalam ay gumawa pa ito ng sulat.
“Nagsulat siya ng ‘Thanks for everything’ tapos nalaman ko na ‘yun na pala ‘yung huli niyang sinulat,” sabi pa ni Marlo na todo ang pasalamat sa lahat ng nakiramay at nagdasal para sa kanyang nanay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.