Aaron Villaflor nakatawid mula sa 'Heneral Luna' hanggang sa 'Goyo' | Bandera

Aaron Villaflor nakatawid mula sa ‘Heneral Luna’ hanggang sa ‘Goyo’

Reggee Bonoan - August 27, 2018 - 12:30 AM

AARON VILLAFLOR

TUMAWID ang karakter ni Aaron Villaflor bilang manunulat sa pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” mula sa “Heneral Luna” ni John Arcilla.

Sa nakaraang grand launch ng “Goyo” na pagbibidahan ni Paulo Avelino ay natanong ang direktor na si Jerrold Tarog kung bakit kasama pa rin si Aaron bilang si Joven sa pelikula.

“Para siyang audience reservist kasi nakaka-relate ‘yung audience sa conclusion na nararating ni Joven kasi do’n sa Luna parang pinapanood lang niya si Antonio Luna kung ano ang mga ginagawa niya.

“Then pagdating sa Goyo, nagkakaroon na siya ng conclusions tungkol sa leaders kung kanino siya mapapasama, at ito ‘yung grupo nina Goyo. In a way medyo parallel sila ng karakter ni Mabini (Epy Quizon) pareho silang may mga observations tungkol sa mga leaders,” paliwanag ni direk Jerrold.

Reaksyon naman ni Aaron, “I’m thankful and still blessed, thank you direk Jerrold kasi from
Luna itinawid mo ako sa Goyo. May pagbabago sa karakter ko and the same time, they were expected na he’s gonna work with Goyo side, so medyo kumplikado ‘yun para kay Joven.”

“Sa akin naman and for the young ones, it would really help them understand the story kasi I might portraying the character of Joven which is actor narrator for somehow mapapabilis at mapadali sa kanila para intindihin ang kasaysayan,” mahabang kuwento ni Aaron.

Walang binanggit kung buhay pa rin si Aaron bilang Joven sa ending ng “Goyo: Ang Batang Heneral” at kung makakasama pa rin siya sa pagpapatuloy ng kasaysayan kung saan bibida naman ang kuwento ni Manuel L. Quezon.

Mapapanood na ang “Goyo” sa Set. 5 sa mga sinehan mula sa TBA Studios, Artikulo Uno at Globe Studios.

Samantala, nagmadaling umalis si Aaron pagkatapos ng grand launch ng “Goyo” kaya hindi namin naitanong kung sila pa rin ng miyembro ng grupong Girl Trends na si Jane de Leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending