Arron Villaflor pwedeng ma-in love sa escort girl: Minsan nasu-surprise na lang tayo sa mga nangyayari sa buhay natin | Bandera

Arron Villaflor pwedeng ma-in love sa escort girl: Minsan nasu-surprise na lang tayo sa mga nangyayari sa buhay natin

Alex Brosas |June 23,2022
facebook
share this

Arron Villaflor pwedeng ma-in love sa escort girl: Minsan nasu-surprise na lang tayo sa mga nangyayari sa buhay natin

Alex Brosas - June 23, 2022 - 01:29 PM

Arron Villaflor

PARA kay Arron Villaflor, posibleng ma-in love siya sa isang private escort.

“Possible naman. In reality, minsan nasu-surprise na lang tayo sa mga bagay na hindi naman natin ini-expect,” say ng binata sa zoom conference ng digital series na “Wag Mong Agawin Ang Akin”.

When asked kung patitigilin niya ang kanyang escort girlfriend, ito ang sagot ng binata, “I can’t answer that. It’s a very hard question. Mahirap magsalita nang patapos. Possible siya. Maraming bagay na puwedeng mangyari talaga.

Malaki ang pasasalamat ni Arron sa Vivamax dahil muli siyang nakabalik sa paggawa ng series.  Ang last TV series niya ang ang “Ang Probinsiyano”.

“Dalawang taon na akong hindi nakakabalik sa series. I am glad and thankful na may panibagong blessing and it’s under Vivamax. I am excited to work with them,” he said.

“Sabihin na natin, medyo kupal ang character ko dito and I like it,” he said.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arron Villaflor (@arronvillaflor05)


Nang matanong kung gaano siya kapangahas sa series, Aaron said, “Wait for it na lang po. Can I say na I’ll surprise you.”

Nang matanong siya kung ano ang hindi maaagaw sa kanya, ito ang sagot ng aktor, “Siguro  ang masasabi ko ang talent ng bawat isa, kabutihan ng bawat isa. I am still thankful that I am still alive from pandemic.

“Sa dami ng namatayan, nawalan ng mga kamag-anak o pamilya dahil sa pandemic na nito. Sa lahat ng nawalan ng pag-asa dahil during pandemic na gaya ko, mahirap din talaga dahil hindi tayo handa sa pagsubok na ito.

“But then dahil buhay pa tayo until now, let’s be grateful everyday paggising natin.

“Kahit paano may trabaho pa rin tayong nakukuha at may nakikilala pa tayong mga taong nakikilala na nakakatulong sa atin. I feel blessed, thankful. Laban lang tayong lahat,” sabi ni Arron.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Arron Villaflor sa pagkatsugi sa ‘Ang Probinsyano’: Hindi ko nga po alam kung bakit bigla akong nawala

Angeline inaatake ng post-partum depression: Minsan bigla na lang akong iiyak, tapos galit na galit ako sa tatay ng anak ko…

Pauleen nalulungkot, natatakot sa ilang negatibong epekto ng online class kay Tali

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending