Female celeb mukhang pera raw, walang utang na loob | Bandera

Female celeb mukhang pera raw, walang utang na loob

Reggee Bonoan - August 26, 2018 - 12:15 AM

“PERA-PERA lang talaga ang babaeng ‘yan, walang kai-kaibigan sa kanya!” Ito ang narinig naming tsikahan ng ilang katoto at isang marketing manager ng kilalang brand ng condiments.

Noong hindi pa raw kilala ang aktres-TV host ay panay ang hingi nito ng tulong sa mga kaibigang reporters na isulat siya para mapansin. Talagang bumabangka pa siya noon sa presscon ng mga ginawa niyang pelikula bilang suporta sa mga bida. Sabagay, never pa naman siyang naging bida.

Kaibigan din niya ang marketing manager ng kilalang condiments na noo’y staff pa lang ng TV network kung saan siya konektado.

Hanggang sa umalis na ng network ang staff at ngayon nga ay marketing manager na, palibhasa’y maraming kaibigang reporter kaya kapag nagkikita-kita ay tsikahan to the max pa rin, walang nabago sa kanila.

Napag-usapan nga nila si aktres-TV host nang minsang magkita sila ni marketing manager.

Inalok daw siya na kung puwede ay i-endorse ang kilalang produkto ng condiments na kaagad namang pumayag kaya tuwang-tuwa naman ang huli.

Nang mag-meeting na sila para sa story board ng gagawing commercial ay laking gulat ng marketing manager (kasama pa ang big boss ng kumpanya) dahil milyones ang hinihinging talent fee ng aktres-TV host.

“Ano ‘yun, mas malaki pa ang talent fee niya kay _____ (kilalang social media influencer) na siyang pinaka-effective na endorser ngayon based sa research?

“Humingi ako ng tawad na baka puwedeng bawasan, ayaw niya. Nagmatigas. Malakas daw kasi ang programa niya ngayon kaya ganu’n. E, hindi naman siya ang bida sa show, hindi nga ramdam kung wala siya, eh. Hindi siya natuloy sa amin, kinuha namin si ____ (sikat na social media influencer) okay lang na magbayad kami ng malaking talent fee, mas sikat at effective endorser pa,” kuwento ng marketing manager.

Kuwento rin ng mga katoto, “Naku, kami rin kapag nakakasalubong namin siya, dedma na parang walang nakita nakataas ang noo as if naman papansinin namin siya. Hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.”

Bakit nga ba may mga ganu’ng uri ng tao? Hindi makatanda sa mga taong nakasama nila noong hindi pa sila sikat at wala pang pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending