Aldub Nation target maka-1B tweet para sa Guinness; Aug. 23 deklaradong ‘Hashtag Day’
IDINEKLARA ng Guinness World Records na “Hashtag Day” ang petsang Aug. 23, 2018.
Sa Twitter account ng Guinness World Records, may tweet ito ng, “DYK, the most used hashtag in 24 hours on @Twitter was #AlDubEBTamangPanahon with 40,706,392 uses from 24 Oct- 25 Oct 2015, inspired by a benefit concert and celebrity couple AlDub from Philippines TV show #EatBulaga #HashtagDay.”
Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang symbol na # ang gamit sa Twitter para simulan ang chikahan, pag-anunsyo ng events o pagkakaroon ng tinatawag na Twitter party.
Tanging ang AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza) ang celebrity couple na binigyan ng recognition ng Guinness kaya naman ang AlDub Nation, target na maka-achieve ng 1 billion tweets para makapag-set muli ng bagong record, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.