Paulo gustong gayahin ang diskarte ni John Lloyd sa buhay st career? | Bandera

Paulo gustong gayahin ang diskarte ni John Lloyd sa buhay st career?

Reggee Bonoan - August 25, 2018 - 12:15 AM

PAULO AVELINO

ANG daming pumuri kay Paulo Avelino sa grand launch ng “Goyo: Ang Batang Heneral” ng TBA Studios, Artikulo Uno at Globe Studios. Ang guwapo raw kasi ng binata at bagay na bagay sa kanya ang karakter bilang Goyo.

Noong nabubuhay pa raw kasi si Gregorio del Pilar base sa research ng production ay talagang magandang lalaki ang batang heneral kaya maraming nagkakagusto sa kanyang babae.

Sa ginanap na presscon ng pelikula ay natanong kung ano ang mas malaking budget, ang “Heneral Luna” ba o ang “Goyo”? Ang mga producer na sina Fernando Ortigas at Ed A. Rocha ang sumagot, mas malaki raw ang ginastos nila sa “Goyo” na idinirek ni Jerrold Tarog.

“We had to give Jerrold his vision. We knew from the beginning that Goyo had to be much bigger than Luna. It is an epic story. As the producers, whatever Jerrold needed for the set, it was there,” sabi ni G. Ortigas.

Oo nga, parang halos dalawang taon yatang ginawa ang “Goyo” dahil ang sitsit ng aming source ay 80 shooting days tumagal ang pelikula at hindi lang 60 days.

Going back to Paulo, sana raw ay mapanood ito ng millennials, “I love the country eversince and after researching and reading so many stuff, actually this type of film encourage me and sparks something in me to research more and find more about our history. It’s just made me more curious and gave me more love and more hope for our country.

“I hope Goyo could get the younger audience for them to ignite and sparks in them to have more love and hope for this country,” aniya pa. At siyempre sana raw ay kumita rin ang pelikula.

“Para magkaroon ulit ng funds ang producer na gumawa ulit ng panibagong movie. Ang pinaka-pressure sa akin ngayon ay gusto ko talagang kumita ‘yung pelikula para hindi na sila mahirapan kumuha ng funds or maghanap ng magpo-produce for the next film.

“Sabi nga ni Jerrold kanina, importante, mabuo itong tatlong pelikula para mas main-tindihan natin ‘yung time na ‘yun kung ano ba talaga ang nangyayari nu’n. Parang sabi nga, it’s an (Emilio) Aguinaldo film kasi siya lang ‘yun buhay du’n sa tatlo at malaking impluwensiya sa pelikula,” paliwanag ng aktor.

Dahil sa sinabing ito ni Pau ay naalala tuloy namin ang kuwento ng kaibigan niyang aktor na talagang sumakit ang ulo niya habang sinu-shoot ang “Goyo” dahil sa laki ng perang lumalabas sa kanya bilang isa rin sa mga producer.

Pagkatapos ng presscon ay tinanong namin ang aktor kung lifetime savings niya ang isinugal niya sa movie? “Hindi naman lifetime savings, sapat lang. A big chunk of the film actually came from our major producers.”

Ikalawang pagpo-produce na ito ni Paulo, nauna ang “I’m Drunk I Love You” kasama sina Maja Salvador, Dominic Roco at Jasmine Curtis mula rin sa TBA Studios na ipinalabas noong 2017 na idinirek din ni Jerrold.

Dahil kumita ang pelikula kaya naengganyong makipag-partnership ulit si Paulo sa TBA. Hindi kaya dahil sa stress bilang producer kaya balak na niyang mag-retire sa showbiz tulad ng nasabi niya sa presscon.

“Not naman retire, It’s like a break. I’ve been doing this for 10 years, so I think pahinga naman. Siguro bakasyon ng kaunti. Slow down muna tayo, I will stil lbe active. I will be doing stuff,” aniya.

Natanong din kung gusto niyang gayahin si John Lloyd Cruz na bigla na lang iniwan ang showbiz? “Hindi naman. I always want to try new things and test things. Break lang. Hindi naman ako mawawala. Gusto ko mag-relax lang.”

After ng afternoon drama series na Asintado, gagawin naman ni Paulo ang seryeng The General’s Daughter kasama sina Maricel Soriano at Angel Locsin mula sa Dreamscape Entertainment.

Samantala, mapapanood na ang “Goyo: Ang Batang Heneral” sa Setyembre 5 nationwide.

Bukod kay Paulo, kasama rin dito sina Carlo Aquino, Mon Confiado, Epy Quizon, Gwen Zamora, Karl Medina, Aaron Villaflor, Alvin Anson, Art Acuna, Ronnie Lazaro, Perla Bautista, Jojit Lorenzo, Carlo Cruz, Che Ramos, Matt Evans, RK Bagatsing, Stephanie Sol, Miguel Faustmann, Jason Dewey, Bret Jackson, Ethan Salvador, Robert Sena at Benjamin Alves.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga sponsor ng “Goyo” ay ang Rain or Shine, Caffe Puro, LG Electronics, Bellagio Hills – Paoay, Ilocos Norte and Al Amir Resort, Tarlac City, Michellis, Primera Light Brandy, Danes Cheese Spread, San Miguel, Nissin’ Cup Noodles, Century Tuna at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending