Sports tourism sa Legazpi | Bandera

Sports tourism sa Legazpi

Lito Cinco - August 24, 2018 - 12:50 AM

LAST week, nasa Legazpi City ako sa Albay para sa ASTC Mt. Mayon Asian Paratriathlon Championships at Triathlon Asian Cup na hosted ni Legazpi City Mayor Noel Rosal.

Isa kasi sa flagship programs ni Mayor Rosal ang sports tourism kaya hindi na ako nagtaka sa suportang ibinibigay niya sa triathlon.

Pero bago ako magkuwento tungkol sa nakita ko sa kanyang sports tourism program, balitaan ko lang kayo sa nangyari sa dalawang events ng triathlon doon.

Sa paratriathlon championships, six out of eight classes kinuha ng mga Hapon at makikita naman sa credentials at international experience ng entries nila. Malayo talaga ang agwat ng ating mga paratriathletes.

Pangpito at pang-siyam lang sina Jerome at Joshua Nelmida sa visually impaired category.

Pero para nga sa akin bilang chairman ng Philippine Paratriathlon Committee (PPTC), maipagmamalaki ko ang pagtatapos ng kambal sa karera.

‘Yun lang na maipakita nila sa mga tao na kahit matindi ang kapansanan nila para sa sports ay napakalaking bagay hindi lang para sa promotion ng paratriathlon kundi para ma-inspire ang iba pang PWDs pati na rin ang mga walang kapansanan.

Sa isa pang category naman na sinabak natin, nagkamali ng liko si Alex Silverio sa swim pa lang at disqualified siya agad.

Ganun din ang nangyari kay Sixto Ducay na sumali rin sa kompetisyon, sa bike naman siya nagkamali.

Si Alex, siguro nga ay kulang pa sa exposure kaya nangyari sa kanya ang ganun pero umaasa pa rin ako na sa 2020 ASEAN Para Games na gaganapin dito sa Pinas ay malaki ang tsansa nating manalo. Wala kasi rito ang mga malalakas na bansa katulad ng Japan, China at Hong Kong.

Magpaplano na nga kami ng programa bilang paghahanda rito.

Bumalik tayo sa ipinagmamalaking sports tourism campaign ni Mayor Rosal na sinimulan niya five years ago.

Ginanap din sa Legazpi ang Philippine Superliga (PSL) Ibalong Festival National Women’s Beach Volleyball.

Napuntahan ko rin ang formal opening ng naturang volleyball tournament na sinalihan ng 14 teams, karamihan ay mga UAAP teams katulad ng Ateneo, La Salle, FEU, UST, Adamson, National University at commercial teams na Petron, Sta. Lucia Realty, Smart at F2 Logistics. Nilahukan din ito ng Lyceum at Tacloban Fighting Warays.

Mga kilalang players din ang mga pinadala katulad ni Gretchel Soltohes, Bernadette Pons, Patty Orendain, Sisi Rondina at Pauline Gaston, anak ng dating PBA player na si Fritz Gaston.

Halos mapuno raw ang mga hotel sa Legazpi at siyempre nakikinabang din ang mga restaurant at iba pang tourism-related na negosyo roon.

Ito kasi ang value ng isang sports tourism campaign, ang maka-engganyo ng mga bibisita sa isang lugar bilang mga participant o guest.

Siyempre nga, ‘yung ibang atleta ay kasama nila ang mga pamilya nila at mamasyal pa iyan sa mga attraction ng area.

Pinapasyal kami ni Mayor Rosal sa media officer niya na si Manny Solis, kasama ko ang taga-PTV 4 na gagawa ng feature sa mga pupuntahan naming lugar.

Matapos kaming mamasyal sa Legazpi Boulevard ay nag-adventure kami sandali sa All Terrain Vehicle (ATV) driving sa Pawa.

Salamat kay Diana Montano ng Your Brother dahil nag-actual driving kami pero di kami umakyat sa Mayon dahil kinapos kami sa oras. Mahigit 100 ATV units nila kaya dinadayo sila dito ng mga turista. Meron pa ibang ATV operators na iba pero mas maliliit sila sa Your Brother.
Lake Sumlang ang sumunod, isang L-shaped, 9-hectare lake na perfect ang view ng Mayon. Pwede ring mag-kayak at mag-fishing dito habang nakasakay sa bamboo rafts na may magagandang furnitures pa na gawa sa lugar.

Nag-lunch kami sa Let’s Pinangat na malapit lang sa lake tapos ay tumungo sa Hoyop-hoyopan Cave sa Camalig na isang visitor friendly cave na maraming stalactites at stalagmites. Well lighted at sagana sa kuwento ang guide namin na si Bam Nuylan. May disco pa nga raw sa loob ng cave noong 1970’s.

Siyempre hindi kumpleto kung hindi ka pumunta sa Cagsawa ruins. May ATV operator din sa tabi at maraming souvenir shops at mabibilhan ng sili ice cream.

Last stop na dapat namin ‘yun pero tumuloy ako sa Embarcadero, na may life-size replica ng butanding at mga restaurant, bar at convention facilities, tabi ng dagat, at nagkita pa uli kami roon ng aking mga “Angels” na mga Bicol University student volunteers na sumalubong sa amin sa airport.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pasyal na lang kayo sa Legazpi para mas maganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending