Good luck to our para-athletes | Bandera

Good luck to our para-athletes

Lito Cinco - October 04, 2018 - 07:48 PM

ANG Philippine swimming delegation na lalahok sa 3rd Asian Para Games na gaganapin sa Jakarta, Indonesia ngayong Oktubre 6-13 sa kanilang pagharap sa sports media kamakailan sa ginanap na send-off mass ng PH para athletes sa Dad’s-Kamayan Edsa kasama ang mga opisyal na sina TRAP president Tom Carrasco, Philspada president Mike Barred at sina PSC commissioners Charles Raymond Maxey at Raymond Agustin. REY NILLAMA

LAGI kong sinasabihan ng “good luck” ang mga atleta natin tuwing sasali sila sa malalaking competition abroad.

Kaya “good luck” sa ating mga para-athletes na lalahok sa Asian Para Games na gagawin sa Jakarta at Palembang sa Indonesia umpisa sa Sabado, Oktubre 6.

Pero more than “luck” ang magdadala sa ating mga atleta para makapag-uwi ng maraming medalya at lampasan ang limang silver at limang bronze medals na nakuha sa Incheon, South Korea noong 2014.

Nasabi ko ito dahil may mga nakausap akong para-athletes noong dumalo ako sa send-off Mass at lunch na ginanap sa Dad’s-Kamayan last week kung saan nandoon ang 57 na atletang dadalhin ang ating bandera sa Indonesia.

Naroon din sina powerlifter Adeline Dumapong at table tennis player Josephine Medina.

Kung matatandaan ninyo, itong si Adeline ang unang Filipino athlete na nakapanalo ng medalya sa Paralympics nang mag-uwi siya ng bronze medal sa Sydney Olympics noong 2000. Nanalo rin siya ng bronze this year sa Para Powerlifting Asia-Oceania Open Championships sa Fukuoka, Japan.

Si Josephine naman ay nanalo ng bronze sa 2016 Paralympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Bukod sa powerlifting at table tennis, kasali rin tayo sa archery, athletics, badminton, chess, cycling, judo, swimming at tenpin bowling sa Indonesia.

Nakita raw ng 44-anyos na si Adeline ang growth ng para sports sa Pilipinas kasi matagal na siyang pinapadala sa mga international events. Pero ngayon daw, bukod sa mas marami sila di tulad noon ay mas preparado na raw ang mga atleta dahil sa patuloy na suporta ng Philippine Sports Commission (PSC), which was represented by commissioner Charles Maxey sa naturang send-off party.

Nandun din siyempre si Philippine Paralympics Committee at Philspada president Mike Barredo at chef de mission Kiko Diaz.

Sigurado raw si Adeline na maraming para-athletes ang lalampasan ang kanilang mga personal best sa Indonesia pero ayaw niyang mangako na mag-uuwi siya ng gold dahil kasali ang China at Korea. Basta raw ibibigay niya lahat ng makakaya para masuklian ang tulong na kanyang natanggap.

Dito raw masusukat ang improvement ng mga para-athletes natin.

Si Josephine naman, sure raw siya sa bronze pero pipilitin niya na higitan pa ito.

Sana nga lang daw mas matagal siyang nakapag-train sa ilalim ng coach niya kasi almost two months lang daw silang nag-ensayo dahil hindi agad ito makaalis sa puwesto nito sa AFP.

Mula sa Indonesia, isang araw lang ang pagitan ay lilipad naman itong si Josephine sa Slovenia dahil nag-qualify siya sa Table Tennis World Championship para sa mga para-athletes.

Nakausap ko rin si dating Philspada chef de mission Ral Rosario na nag-resign na pala sa Philspada pero tumutulong pa rin sa swimming.

Marami siyang kuwento tungkol sa pagbitiw niya sa asosasyon pero ako naman kasi, palagi kong igagalang kapag sinabi sa akin ng na-interview ko na off the record ang usapan. Sayang pero sa amin na lang ‘yung napag-usapan namin at di ko puwedeng isulat.

Sa parte namin sa Philippine Paratriathlon Committee (PPTC), hinahanda namin ang mga plano para sa paratriathlon sa pagsali natin sa Asean Paragames sa January 2020 pero aminado ako mahirap ang posisyon namin na wala pa kaming pondo para sa mga atleta at sa training nila.

Nabanggit ko nga kay Ral na kahit naintindihan ko ‘yung policy ng PSC na kailangan na may maipakita muna ang mga para-athletes bago sila bigyan ng allowance, sana ay mabigyan naman ng kunsiderasyon.

Mahirap kasi makakuha ng mga disabled na aakitin mo na mag-triathlon pero wala namang regular support na maibibigay.
Paano nga nila masu-sustain ang training nila para maka-perform ng maganda kung di sila matutulungan.

Sana nga ay may mga tumulong sa amin para sa aming mga para-triathletes at open kami sa mga gustong sumubok para sa team. Siyempre may mga qualifications din kaming hinahanap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Muli, I wish the best for our para-athletes sa Indonesia Asian Para Games.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending