Libreng health exams sa pro boxers, MMA fighters | Bandera

Libreng health exams sa pro boxers, MMA fighters

Louise Ariola - August 23, 2018 - 11:03 PM


MAGPAPATULOY pa ng dalawang taon ang libreng MRI (magnetic resonance imaging), CT (computed tomography) scan at iba pang health examinations para sa mga professional boxers ng Pilipinas sa mga pampublikong ospital.

Ito ay matapos na i-extend ng Department of Health (DOH) at Games and Amusement Board (GAB) ang kasunduan para dito. Sa pagkakataong ito ay kabilang na rin sa mapagkakalooban ng benepisyo ang mga mixed martial arts (MMA) fighters ng bansa.

“It is encouraging to note that we were able to execute this MOA successfully through the support of our hospitals.

Furthermore, we affirm the DOH’s ongoing support to all our professional Filipino boxers and mixed martial artists who will always strive to bring pride and honor for our country” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, na pumirma sa bagong memorandum of agreement (MOA) kasama si GAB chairman Abraham Kahlil “Baham” Mitra noong isang linggo.

Nakasaad sa MOA na magsisilbing regulatory agency ang GAB sa pag-proseso ng mga nararapat na aplikante habang ang DOH naman ang mag-bibigay ng libreng complete medical examination, kagaya ng eye checkup, CT Scan, MRI, at iba pang laboratory exams na kailangan ng mga boxers at MMA fighters.

Ang unang kasunduan sa ilalim ng Administrative Order No. 2017-0020 ng DOH ay tumagal ng isang taon at pinirmahan noong Oktubre 2017 nina Mitra at dating Health Secretary Paulyn Jean Ubial.

Dahil sa programang ito at sa pagbibigay halaga sa kalusugan at kapakanan ng mga boksingero ay pinarangalan ang GAB bilang 2017 Commission of the Year ng World Boxing Council.

Ang mga kaagapay na ospital ng DOH ay ang Batangas Medical Center, Western Visayas Medical Center, Southern Philippines Medical Center at Philippine Heart Center.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending