Neri na-bad trip sa fake news ng magazine: Mag-sorry kayo! | Bandera

Neri na-bad trip sa fake news ng magazine: Mag-sorry kayo!

Alex Brosas - August 22, 2018 - 12:05 AM

NA-BASH si Neri Naig dahil sa nakakalokang title ng article sa isang magazine which said: Neri Miranda on Breastfeeding Miggy: Gusto Mong Matapos na Agad.

“Wow. Just wow. Ang daming nag send sa akin nito. Galit po ako. Hindi ako natutuwa.

“Really? Smart Parenting? Very smart talaga.

“Napakagaling ng gumawa ng article na to. Very responsible. Galing.

“Magsorry kayo hindi lang sa akin kundi sa lahat ng nanay na na-offend nyo.

“At sa lahat ng netizens na basta lang magcomment, hello? Nagbibigay kaya ako ng talk about my breastfeeding journey with Miggy,” caption ni Neri sa IG post niya.

Agad namang nag-tweet si Chito Miranda to defend his wife: “Para sa mga nagagalit sa asawa ko, accusing her of shaming mothers who feed their babies baby formula (dahil sa misleading headline ng Smart Parenting…which they have edited already), sana maliwanagan kayo.”

Nag-post naman si Neri ng photo kuha sa palengke where it showed a young guy na tumutulong sa pagtitinda.

“Namalengke ako kanina. Pampawala sana ng stress na dinulot sa akin ng napaka iresponsableng gumawa ng article ng Smart Parenting na wala man lang sorry sa akin sa site nila.

“Anyway, nakita ko ‘tong bata na eto na tumutulong sa pagbenta sa palengke. Nakakatuwa kase walang arte. Imbes na mag stay na lang siya sa bahay at maglaro, tinutulungan niya ang pamilya niya.

“Yan ang maganda, ang magtulungan. Mas mabilis ang pag unlad ng bawat isa. At mas maganda rin na kapag nakikita nating nagsisipag sa pagtatrabaho ang mga tao sa paligid natin, imbes na mainis o mainggit, maging inspirasyon sana sa atin yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung mapapansin nyo, gusto ko lagi na laging positibo ang posts ko, nag eencourage sa mga tao na wag mag give up sa mga pangarap nila. Yes, hindi laging masaya ang nangyayare sa buhay natin everyday.

“Normal lang din ang masaktan at magalit. Pero kung paano natin i-handle ang hindi magandang sitwasyon na yun, dun natin mas nakikilala ang sarili natin. Basta maganda ang hangarin ko sa kapwa, ok ako,” caption ni Neri.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending