Geoff ayaw patalbog kina Glaiza at Lauren sa ‘Contessa’

August 22,2018
share this

Geoff ayaw patalbog kina Glaiza at Lauren sa ‘Contessa’

August 22,2018
share this

SUNUD-SUNOD na ang pasabog at mga nakakalokang eksena sa GMA Afternoon Prime na Contessa na pinagbibidahan ng La Primera Bida-Contravida na si Glaiza de Castro.

Sa mga nakaraang episode ng Kapuso serye, muling ipinamalas ni Glaiza ang kanyang galing sa madadramang eksena, lalo na sa ginagawang pagpapahirap sa kanya ni Gabby Eigenmann na gumaganap bilang si Duquessa.

Pero siyempre, hindi naman basta-basta magpapatalo at magpapaapi si Contessa at handa rin siyang isakripisyo ang lahat para magtagumpay sa kanyang paghihiganti.

Samantala, patuloy namang nagpapaalipin si Gabriel (Geoff Eigenmann) kay Daniella (Lauren Young) para protektahan si Contessa sa pamilya Imperial. Gagawin ni Gabriel ang lahat para lang masigurong ligtas sa kapahamakan ang babaeng pinakamamahal.

Sa isang eksena nina Geoff at Glaiza sa Contessa, maraming manonood ang nadala at naiyak base sa mga ipinost nilang mensahe sa social media.

Ito ‘yung tagpo kung saan ipinaaalala ni Contessa kay Gabriel ang kanilang nakaraan. Todo iyak si Glaiza sa eksena habang pinipilit si Geoff na umaming si Daniella ang dahilan sa lahat ng mga nangyayari sa kanila ngayon.

Nagmakaawa rin si Contessa na huwag siyang iwan ni Gabriel at mag-abroad na para makapagsimula uli, pero tumanggi si Gabriel.

In fairness, hindi rin nagpapalamon si Geoff sa galing ni Glaiza, pati na sa mga madadramang eksena nila ni Lauren.

Kaya patuloy lang na tumutok sa Contessa araw-araw sa GMA Afternoon Prime pakatapos ng Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending