‘In My Feelings’ viral video ni Jo Berry umabot na sa mahigit 1M views, likes

August 21,2018
share this

‘In My Feelings’ viral video ni Jo Berry umabot na sa mahigit 1M views, likes

August 21,2018
share this

JO BERRY AT CHERIE GIL

PALAGI mang magkaaway on-screen para sa kanilang GMA Telebabad series na Onanay, sa tunay na buhay ay mas lalo pa raw naging close ang mag-BFF na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Matapos kasi ang una nilang pagsasama noon sa Kapuso fantasy-action series na Encantadia, hindi na talaga mapaghiwalay ang dalawang Kapuso stars.

Pero dahil nga sa pinakabago nilang GMA primetime series, mas naging malalim pa ang kanilang pagsasama dahil halos araw-araw silang magkasama sa taping.

#Friendshipgoals talagang maituturing ang relasyon ng dalawang dalaga. Pero sa Onanay, #mortal enemies nga ang peg nila dahil sa magkaiba nilang ugali sa kabila ng katotohanan na sila’y magkapatid sa ina.

Samantala, iba rin talaga ang dating sa mga viewers at netizens ni Jo Berry, ang gumaganap na nanay nina Mikee at Kate sa GMA Telebabad series na Onanay.

In fairness, talagang pinag-usapan ang nag-viral na eksena ni Onay sa programa kung saan hinahabol niya ang kotse kung saan nakasakay si Helena (Cherie Gil). Sa kabila ng matinding eksena, hindi ito nakaligtas sa malikhaing isip ng isang Facebook user.

Ginawan niya ang naturang eksena ng isang meme video kung saan nilapatan pa niya ng kantang “In My Feelings” ng American singer na si Drake. Sa ngayon, meron na itong mahigit 1 million views sa Facebook. Ang taray talaga ni Jo, di ba!?

Bukod diyan, consistent ang ipinapakitang galing ng bulinggit na aktres sa kanyang kauna-unahang serye na Onanay. Patuloy siyang pinupuri ng ma manonood sa bawat episode ng programa. In fairness naman kasi kay Jo, laban kung laban ang natural na akting niya sa Onanay kaya gustung-gusto siya ng mga viewers.

Samantala, nagsimula na rin ang kakaibang adventure ng mag-iinang Onay (Jo), Maila (Mikee) at Rosemarie (Kate). Sa hindi magandang pakikitungo ng kanyang ina sa kanya, matagalan pa kaya ni Maila?

Patuloy na tutukan ang top-rating at laging trending na Onanay gabi-gabi sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol.

Kasama pa rin dito siyempre sina Superstar Nora Aunor, Wendell Ramos, Gardo Versoza, Rochelle Pangilinan, Cherie Gil at marami pang iba, sa direksyon ni Gina Alajar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending