PPP Review: 7 ugly realizations of 'Pinay Beauty' | Bandera

PPP Review: 7 ugly realizations of ‘Pinay Beauty’

Djan Magbanua - August 19, 2018 - 06:29 AM

 

ISANG  “feel good” movie ang Pinay Beauty nisang pelikulang kinakantsawan ang kabaliwan ng mga Pilipino sa pagpapaganda.

Kagandahan man ang paksa ng istorya, may mga pangit na realisasyon na tinatalakay ang pelikulang ito na dapat ay pag-isipan mo.

1. Pangit magmamahal ng mali.

Ito Yung gagawin mo ang lahat mapasaya lang siya kasi mahal mo kahit kung minsan ay umabot pa sa puntong ikasisira ito ng iyong buhay.

2.  Pangit ang self-centered love.

Kung ginagawa mong dahilan ang “para sa atin naman to” o “para sa kinabukasan naman namin to” para maging bulag sa sakit na nararamdaman ng taong mahal mo… worth nga ba ito?

3. Pangit kunsintehin ang kaibigang nasa mali.

Bali-baliktarin mo man, ang mali ay hindi maitatama ng isa (o apat) pang mali. Pero tanga kasi siya kaya sasamahan mo na lang para mabawasan man lang ang mga susunod na katangahan nya.

4. Pangit ang peer pressure.

Ito yung nira-rush  mo na ang sarili mo kasi nakikita mo na naabot na ng mga kaibigan mo yung mga pangarap na sabay ninyong pinag-usapan. Yung mababa yung tingin mo sa sarili mo kasi ikaw nasa starting line pa rin habang sila naman tapos na.

5. Pangit ang taong hindi makita ang sariling ganda.

Ito yung kahit ano mang pampakinis, pampaputi, pampatangos, o pampaganda ang gawin sa iyong katawan ay hindi mo ma-appreciate. Ito yung feeling na paggising mo nangingiwi ka pa rin sa sariling anyo dahil tingin mo ay hindi maganda. In other words hindi ka komportable sa sarili mong maganda ka!

6. Pangit at mahirap kumapit sa patalim

Panigurado kasi na sa dulo ay ikaw ang masusugatan buti.  Pero sabi nga nila, mahirap kasi ang buhay, e.

7.  Pangit ang pagpapahalaga sa mga taong hindi mo kilala.

Ito yung nag-uubos ka ng oras sa mga taong hindi mo lions na kilala imbes na pahalagahan ang mga taong nariyan at totoong nagmamahal sayo. Kung ibabase mo ang kaligayahan mo sa mga estrangherong magsasabi kung panget ka ba o maganda, makakalimutan mo ang mga taong dapat sanay mas mahalaga ang opinyon sayo. Sige ka baka pati sa paningin nila ay pumanget ka.

Ang Pinay Beauty ay isang entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Follow Bandera on Viber https://www.viber.com/bandera

Like us on Twitter @banderainquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending