Kapag nawala ang tiwala | Bandera

Kapag nawala ang tiwala

Beth Viaje |August 17,2018
facebook
share this

Kapag nawala ang tiwala

Beth Viaje - August 17, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Ano po ba ang dapat kong gawin kapag nawala na ang tiwala sa akin ng boyfriend ko at ng pamilya niya?
Paano ko po ba maibabalik ang tiwala nila sa akin?

Halos lahat naman po ay ginagawa ko na para lang pagkatiwalaan nila akong muli.
Ako nga po pala si Nashrahannie.

Hello ate Nash,

Magandang araw sa iyo!

Ateng, hindi ko alam kung paano kita papayuhan kasi hindi mo naman idinetalye kung bakit nawalan ng tiwala sa iyo ang iyong BF at ang kanyang pamilya.

Hindi rin naman kita masisisi kung hindi mo naibigay ang detalye ng problema mo. Baka kasi masyadong confidential at complicated ang isyu sa pagitan ninyo ng BF mo at ng kanyang family. Nauunawaan naman kita don.

Anyway, dalawa lang ang pwede mong gawin para masolusyunan mo ang iyong problema.

Una ay magtiyaga ka hanggang mapaniwala o magtiwala silang muli sa iyo. Kumbaga, kung talagang mahal mo ang BF mo at handa kang gawin ang lahat para maibalik ang kanyang tiwala, then gawin mo at huwag sukuan.

Ikalawa, makipag-break sa kanya at mag-move on na. Kung sa tingin mo ay nagawa mo nang lahat pero wala pa rin, then it’s about time to go.

Ang problema ay hindi ko alam kung papaano maibabalik ang tiwala nila sa iyo. Tanungin mo kaya sila?

Pero ang alam ko it will take time.

Pero honestly, may mga tao na once nawalan na ng tiwala sa iyo ay hindi na magtitiwalang muli. Ikaw, try mo pa rin baka magbago isip nila.

On second thought, bakit ba kasi pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa kanila? E, di pumirmi ka muna at wag makipagrelasyon, ibuild-up ang confidence at prinsipyo. And maging aral sa iyo ang insidenteng iyan. Sa ganyang mga pagkakamali tayo nagiging mas matalino at malakas.

Hindi pa katapusan ng mundo, neng. Hindi lang si BF ang lalaki na magmamahal sa yo! So kung ayaw na nila, lalo na si BF, walk out na ‘teh, huwag mag aksaya ng mga panahon ninyo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ateng Beth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending