Ate Vi nag-sorry kay Ai Ai: Ang dami ko nang utang sa ‘yo, babawi ako promise!

By Jun Nardo August 17,2018
share this

Ate Vi nag-sorry kay Ai Ai: Ang dami ko nang utang sa ‘yo, babawi ako promise!

By Jun Nardo August 17,2018
share this

VILMA SANTOS AT AI AI DELAS ALAS

HALOS mapaluha si Ai Ai delas Alas base sa reply niya sa text sa kanya ni Congresswoman Vilma Santos-Recto nang batiin siya sa pagkapanalo bilang Cinemalaya 2018 Best Actress para sa entry niyang “School Service.”

Narito ang text ni Ate Vi kay Ai Ai na may screen shot sa Instagram ng Comedy Queen: “Ai….yes!!! Congratulations my friend!!! (Best actress). PROUD OF YOU MY FRIEND!!!! Keep it up!!!!

“Sorry hindi di ako masyado visible ha friend…Soooo busy with congress and lipa!!! Pagod din ang beauty ko. Just arrived from Lipa now at kasama sa activity ko dun si Sec. Briones ng DepEd!!!

“Kahit ganito…pls don’t forget me! Love love love you pa din Ai. Missss you! Will text Marian (Rivera) too! Nag birthday din siya. Kiss Baby Marian for me ha thanks.

“God bless you and family. DAMI KO UTANG SAYO. Hehe. Babawi ako. Promise friend. Love you!”

Reply naman ni Ai Ai kay Ate Vi, “Naku ate Vi grabe parang naluluha ako naalala mo ako pa din ako…

“Love you alam mo naman na idol kita forever. Alam kong busy ka. Sana nga madalaw kita sa congress hindi na kita nadalaw hayaan mo pag next week nandun ka bisitahin kita dalhan kita ng lunch.

“Lam mo naman super lab kita thank you congresswoman ate vi…always take care I hope ok na yung knee mo…”

Pinusuan naman ni Marian ang palitan ng mensahe nina Ate Vi at Ai Ai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending