6-0 start puntirya ng San Beda | Bandera

6-0 start puntirya ng San Beda

Angelito Oredo - August 16, 2018 - 12:45 AM

Games Today (Filoil Flying V Centre)
2 p.m. Mapua vs Perpetual Help

4 p.m. San Sebastian vs San Beda

Team Standings: Lyceum (7-0); San Beda (5-0); Letran (4-2); Perpetual Help (4-2); Arellano U (3-3); St. Benilde (3-4); San Sebastian (3-5); EAC (2-5); Mapua (2-5); JRU (0-7)

PAKAY ng nagdedepensang kampeong San Beda Red Lions na mapanatiling malinis ang kartada at maiuwi ang ikaanim na panalo sa pagsagupa nito sa San Sebastian Stags sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament ngayon sa San Juan Arena.

Muling sasandigan ng Red Lions sina Robert Bolick at AC Soberano sa pagsagupa nito sa Golden Stags umpisa alas-4 ng hapon.

Una munang magsasagupa ang season host Perpetual Help Altas at Mapua University Cardinals sa ganap na alas-2 ng hapon.

Matatandaang nilapa ng Red Lions ang Letran Knights, 80-76, sa overtime noong Biyernes upang ilista ang ikalimang panalo at hawakan ang solo second place sa likod ng nangungunang Lyceum Pirates, (7-0).

Bukod sa puntusan nais din tumulong ni Bolick sa rebounds upang manatiling malinis ang kanilang karta, naging inspirasyon niya si Barangay Ginebra guard Scottie Thompson.

“I’m inspired by Scottie Thompson. If he can rebound, why can’t I,” saad ni Bolick na isa ring gwardia tulad ni Thompson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending