Insecure sa girl na gustong ligawan | Bandera

Insecure sa girl na gustong ligawan

Beth Viaje - August 15, 2018 - 12:10 AM

Dear Ateng Beth,

May problem po ako kaya sana ay matulungan po ninyo ako.

May classmate po ako na gustong-gusto ko. Kaya lang nahihiya kasi ako na ligawan siya.

Unang-una kasi, mukha siyang mayaman baka mapahiya lang ako.

Tatay ko ay tricycle driver lang tapos si mama nagtitinda sa palengke.

Hindi naman sa ikinahihiya ko ang mga magulang ko, ayaw ko lang sigurong marinig na ‘yung type na type ko na babae ay pupulaan ang mga magulang ko.

Anong magandang diskarte ang gagawin ko? Senior high na po ako, at plano ko po pag graduate ko ay magtrabaho muna bago mag kolehiyo kasi walang pera sila mama.

-Edwin, Pasig City

Dear Edwin,

Magandang araw sa iyo.

Alam mo, it’s either judgmental ka lang o hindi mo kilala talaga si girl na natitipuhan mo.

Sa tingin mo ba pupulaan niya ang mga magulang mo kapag nalaman niyang mahirap ka lang?

On second thought, bakit ka ba magkakagusto sa isang babae kung alam mo na meron itong masamang ugali? For sure, hinding-hindi mo siya gugustuhin, di ba?

Ano ang nakita mo sa kanya na sa kabila ng pwede nitong gawin ay gusto mo pa rin siya?

Anyway, mukha namang may pangarap ka sa buhay. Kaya doon muna tayo mag-concentrate. Bakit hindi kaya gawin mo muna ang mga pangarap mo?
M
agsikap ka muna, magtrabaho at mag-aral sa kolehiyo, gaya na rin ng sinabi mo.

Magandang ayusin mo muna ang iyong buhay bago ka pumorma!

At kapag naayos na ‘yang buhay at kabuhayan mo, at ma-in-love ka ulit, hindi ka na matatakot at hindi ka na mai-insecure, kesehodang mayaman pa yang matitipuhan mong babae.

Sa ngayon, pwede mo naman siguro sabihin kay girl ang feeling mo. Okay lang kung bastedin ka, at least nasabi mo, hindi ba? Ang maganda pa non ay makaka-concentrate ka sa pangarap mo.

E, paano kung sagutin ka, maging kayo, e di baka i-prioritize mo na sya at kalimutan ang pangrap mo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba kay misis o mister, sa BF o sa GF? Gustong maligawan, o kaya ay gustong kumalas sa kasintahan? May problema sa mga anak o mga magulang? Pera ba kamo? Aba’y isulat na yan kay Ateng Beth sa [email protected] o kaya ay i-text sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending