Kris sinusundan ni ‘Bistek’ hanggang sa pagbibigay ng tulong
KAHIT na hindi pa naman talaga magaling ay sumugod si Kris Aquino sa Marikina para mamahagi ng tulong.
Pinagkaguluhan si Kris nang dumating kasama ang kanyang entourage. Si Kris mismo ang namigay ng nakasupot na relief goods na galing mismo sa kanyang bulsa at sa ilang sponsors.
Pero ang nakakaloka, napunta si Kris sa H. Bautista Elementary School sa Marikina.
“Kalurx – tadhana nga naman (yung name ng school)… I am from the 3rd district of QC. Nagtanong po ako sa mayor namin kung meron pang matutulungan- no need na daw. Called my friend, Cong. Bolet Banal – he said: ‘Kris, si Cong. Miro ng Marikina ang nagulpi ang area- kapitbahay natin.’
“We communicated, inubos nina Alvin & Bincai ang Ariel, Pantene, Safeguard, Cheez Whiz, and Lucky Me from both Pure Gold & SM Hypermart. Sinabi kong try namin magdala ng mainit na hapunan- malayo ang branches ko ng Chowking so dun sa malapit na branch ako nakapag bulk order.
“May ready stock kami sa house na Unipak & Healthy Family. Sinabihan akong pahatid na lang kasi di pa malakas ang katawan. Pero turo ng mom, sa gitna ng sakuna, mahalaga ang personal na effort.
“Worth it po kasi naparamdam ko sa kanila- hindi kailangang nakaposisyon para magbigay ng tulong at makisimpatya sa mga kapwa Pilipino. It was my honor to give back to my country. And w/ no political agenda (bawal po sa endorsement contracts)- itutuloy ko po ang mag-share ng blessings na tinatanggap namin nina kuya Josh & Bimb. God bless you all. #lovelovelove.”
‘Yan ang caption ni Kris sa kanyang IG video na kuha sa site ng kanyang relief good operations. Talagang na-shock at na-starstruck daw ang lahat sa pagdating ni Kris sa HBES.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.