Maine kay yaya: Hindi ka namin pababayaan!

By Jun Nardo August 15,2018
share this

Maine kay yaya: Hindi ka namin pababayaan!

By Jun Nardo August 15,2018
share this

MAINE MENDOZA AT ATE PEARLY

PINANGUNAHAN ni Maine Mendoza kasama ang kanyang pamilya ang pagpapaligaya sa kanyang Pepe/Ate Pearly sa kaarawan nito.

Kung hindi kami nagkakamali eh, yaya ni Meng si Ate Pearly na simula nu’ng bata pa siya ay inalagaan na siya.

“Maligayang kaarawan, Pepe/Ate Pearly! Maraming salamat sa walang sawang pag-aaruga sa pamiya Mendoza.

Mahal na mahal ka namin at hinding hindi ka namin pababayaan,” tweet ni Meng with matching photos pa na kuha sa ginanap na selebrasyon.

Kyut na kyut ang litrato na kinarga ni Maine ang kanyang Ate Pearly na isang patunay na marunong siyang magpahalaga sa taong naging bahagi na ng buhay niya kahit pa noong panahong hindi pa siya tinaguriang Phenomenal Star, huh!

Tuwang-tuwa naman ang fans ni Meng na naging bahagi rin ng birthday celebration ni Ate Pearly.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending