Dingdong sa Team Probinsyano: Bilang asawa at ama, nasaktan at na-offend ako sa ginawa nila! | Bandera

Dingdong sa Team Probinsyano: Bilang asawa at ama, nasaktan at na-offend ako sa ginawa nila!

Ambet Nabus - August 14, 2018 - 06:05 PM

DINGDONG DANTES

“THEY don’t need such attention or gimmick.” Ito ang buod ng mensaheng ipinabot sa amin ng isang kaibigang connected sa FPJ’s Ang Probinsyano.

May mga nag-aakusa kasi sa serye ni Coco Martin na gumigimik lang ito at gusto lang mag-ingay at pag-usapan matapos pumutok ang issue ng unauthorize use of photos nina Dingdong Dantes at Marian Rivera pati na ng anak nilang si Zia.

Ilang member ng DongYanatics at iba pang fan clubs nina Dingdong at Marian ang nagsabing maling-mali ang ginawa ng production ng serye nang gamitin ang litrato ng mag-asawa na kuha sa kanilang wedding at palitan ng mga mukha nina Alice Dixson at Edu Manzano sa isang eksena.

Sumulat na si Dingdong sa production ng serye para iparating ang kanyang pagkadismaya sa pangyayari.

Narito ang ilang bahagi ng kanyang sulat na naka-post sa kanyang Facebook account: “I appreciate that you found artistic inspiration from the original photos. Unfortunately, there is the inescapable consequence that legal and moral rights were violated here. And as you may very well be aware of, established industry practice is against such act as it amounts to disrespect.

“Worst of all, as a father and husband, I cannot help but feel offended and deeply hurt by such actions, which happened not just once, but twice. Basic rules of courtesy in this case dictate that you first secure permission from the photographer and my Family.”

Ang nakuha lang naming sagot so far mula sa isang source sa ABS-CBN, “We will look into that. Siguradong may paliwanag ang production diyan.”

Speaking of Papa Dong, kami rin ay excited na sa bagong project na pagsasamahan nila ng isa pa naming papa na si Dennis Trillo.

Ito ang bagong Kapuso series na Cain At Abel, isa sa pinakapaborito naming obra na idinirek ni National Artist Lino Brocka at ipinalabas sa mga sinehan noong 1982.

Ito rin ang isa sa mga pelikula nina Kuya Ipe (Phillip) Salvador at Boyet de Leon na gustung-gusto namin, kung saan nakasama rin nila sina Carmi Martin, Baby Delgado, Cecille Castillo at Mona Lisa na halimaw din sa husay ang akting.

Bihira man tayong makapanood ng ganitong klase ng movie sa ngayon, tiyak naming paghahandaan ito nang husto ng GMA 7 para mabigyan ng millennial touch, pero ang hiling namin ay huwag naman sana itong malayo sa original concept.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Confident kami sa galing nina Dong at Dennis, sana lang ay mahawakan ito ng magaling ding direktor at samahan ng mahuhusay na artista para naman hindi sila mapahiya sa mga taong nakapanood din sa movie version nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending