Shooting nina Robin at Piolo sa Marawi ‘hinarang’ ng AFP
MUKHANG may aberya sa shooting ng Marawi movie which will be produced by Piolo Pascual na gaganap ding bida together with Robin Padilla.
Sa Instagram ay ibinalita ng bida sa Sana Dalawa Ang Puso na hindi sila makapag-shooting sa ground zero sa Marawi.
“Sa ngalan ng nag iisang Dios ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin….ika 7 ng Agosto 2018 NAIA 3 sakay ng cebu pacific flight manila to Cagayan de Oro city ako ay muling tumungo sa lupang pangako kasama ang aking manager (@betchayvidanes) at co manager (@naz_nk).
“Isang taon na rin mahigit ang mga humanitarian projects namin sa Marawi maliban pa dito ang movie project na ‘Children of the Lake’ na ang location ay sa ground zero. Sa alok na tulong ng Spring Films ni Direk Joyce Bernal at Piolo Pascual ay nangarap ako na makagawa ng isang pelikula patungkol sa Kultura at Tradisyon ng mga Maranao at sa kabayanihan ng ating mga Sundalo laban sa mga local at dayuhang ISIS.
“Sa tulong ng aking mga kaibigan Dennis Uy at Kiko Laurel Jr ay nakapagkumpuni kami ng panimulang pera upang umusad ang pre production. Naging malubak at matinik ngunit nagbunga ng magandang resulta ang pakikipag ugnayan namin sa AFP sa tulong ni SDND Delfin Lorenzana.
“Ang pelikulang ito ay hindi katulad ng ibang pelikula sapagkat ang lahat ng kikitain nito ay mapupunta sa pagpapagawa ng housing project ng Tindig Marawi na ang gumawa ng plano, architecture at engineering ay ang sikat na PALAFOX…na hindi nagpabayad sa kanilang magandang gawa bilang tulong sa mga kapatid sa Marawi.
“Halos 300 million ang budget ng full development ng Housing. Buwan ng Agosto ang target filming nito hanggang sa dumating ang kinakatakot ko ipinagbawal ng AFP ang pagpasok sa ground zero dahil sa mga hindi sumabog na bomba.
“Security and safety is always the priority kaya i leave it all to ALLAH! Matuloy pa o hindi GOD is my witness i only do these things for the glory of God! our Nation and our People.”
Samantala, tatapusin na ni Leo Tabayoyong (Robin) ang misyon niya against the character of Leo Martinez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.