Ai Ai Best Actress sa Cinemalaya, nag-iiyak | Bandera

Ai Ai Best Actress sa Cinemalaya, nag-iiyak

Jun Nardo |August 14,2018
facebook
share this

Ai Ai Best Actress sa Cinemalaya, nag-iiyak

Jun Nardo - August 14, 2018 - 12:20 AM

HAGULGOL si Ai Ai delas Alas nang sabihin sa kanya ng anak na si Sancho de las Alas na siya ang tinanghal na Best Actress sa katatapos lang na Cinemalaya Film Festival 2018 para sa pelikula niyang “School Service.”

Sa video na ipinost ng Comedy Queen sa Instagram, non-stop ang kanyang pag-iyak dahil matapos ang ilang taon eh, na-recognize rin ng local award-giving body ang husay niya sa pagganap.

“Pasensya na sa reaksyon kong ito. hehehe. Kasi naman po nanonood ako ng The Clash nag aanalyze pa ako ng mga nanalo at lumaban tapos ang pag sabi ni Sancho MAMA NANALO KA NG BEST ACTRESS?! At ako naman omy GOD nanalo ako nanalo ako!!!

“Super crayola 48 colors thank you LORD SOBRA!!! NANALO AKO (bigla kong nasabi tama ba dinig ko??? Hahaha. Bigla kong tinanong si Sancho totoo bay yan anak?

“Sabi nya oo ma si direk Louie tag ako. So ayun naniwala na ako at ngayun nahimasmasan nako.
“MARAMING SALAMAT PO CINEMALAYA JURY AT CINEMALAYA SA AWARD KO NA ITO.

“Nais kong ishare ang award na ito sa aming direktor LOUIE IGNACIO, labyu…tita BABY G and bg productions, dennis e, ferdie l, sa mga kasama ko sa School Service, mga bata at mga crew at sa aming cinematographer na si rhain direk joel lamangan at tito jo gruta.

Share ko din ito sa mga magagaling kong co nominado actress si glaiza, iza, tita perla at sa mga d ko nabanggit congrats din…at kay LORD na sabi ko pasensya na lord kung nagmumura ako sa movie na to hehe pero yun ang takbo ng buhay sa pelikulang ito ang hirap at katotohanan sa buhay…

“Mama Mary tnx din po. Sa lahat ng blessings TO GOD BE THE GLORY. Mga inspirasyon ko sa buhay thank you mga anak Sancho, Niki, Sophia and Andrei.

“At sa aking asawa Gerald happy monthsary darl! Ang ganda ng gabing ito,” pahayag ni Ai Ai.

After “School Service,” balik si Ai Ai sa role na isang ina kung saan minahal siya ng publiko. Nagkaroon na ng story conference para sa gagawin niyang pelikula sa Viva Films kasama ang talent niyang Ex Battalion na ang title ay “Sons Of Nanay Sabel.”
Conratulations, Queen Ai Ai!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending