Short film ng mag-inang Sylvia at Arjo pasok sa Toronto Int’l Filmfest
ANG saya-saya ng tinig ni Sylvia Sanchez nang makatsikahan namin kahapon dahil ang ginawa nilang short film ng anak na si Arjo Atayde kasama sina Angeli Bayani at Chai Fonacier ay may ng world premiere na sa Toronto International Film Festival (TIFF).
Suki sa TIFF ang mga pelikulang Pinoy kabilan na riyan ang mga award-winning films na “Ang Babaeng Humayo,” “Honor Thy Father,” “Ma Rosa,” at marami pang iba.
Ayon kay Sylvia, nag-shoot silang mag-ina ng pelikulang may kinalaman sa bagyong Yolanda at ipanlalaban daw sa mga film festival sa ibang bansa.
Nitong Huwebes nang gabi ay natanggap ng aktres ang masayang balita na pasok na nga sa Toronot International filmfest ang pelikula nilang mag-ina.
Ni-repost ni Sylvia ang magandang balita sa kanyang Facebook account, “Our short film is having its world premiere at Toronto International Film Festival TIFF – Baga’t Diri Tuhay T’at Pamaungpahung (THE IMMINENT IMMANENT) by Carlo Francisco Manatad.
“Starring Sylvia Sanchez (Jojo Campo Atayde), Angeli Bayani Arjo Atayde (Juan Carlos Campo Atayde), Chai Fonacier. A Globe Studios, Cinematografica, Plan C production. In association with CMB Film Services, Inc., AAND, KINO produzioni and Kamias Overground.”
“Kaya hindi ko pa ito nakukuwento kasi hinihintay ko ang resulta kung pasok sa film festival. Sabi kasi sa akin ng direktor at producer na short film muna at kung magugustuhan, saka namin isu-shoot ng buo,” kuwento ng aktres.
As of now ay wala pang teleserye si Ibyang dahil gusto muna niyang magpahinga, “Maraming offers, pero sabi ko next year na, pati sa movies.”
Kasalukuyang in-enjoy ni Sylvia ang pagiging asawa at ina, “Kapag may taping kasi ako, hindi ko nagagawa nang todo, kung baka panakaw lang kapag pack-up o wala akong trabaho, saka ko lang naipagluluto ang pamilya ko, ang mga anak ko.
“Ngayon ilang buwan na akong walang taping, kaya nagagawa ko nang maglinis ng bahay, magluto, mag-ayos ng mga gamit at kung anu-ano pa. Nagagawa kong matulog nang mahabang oras at makipaglaro kay Xavi (bunsong anak),” aniya pa.
At ang isa pang pinagkakaabalahan ng aktres ay ang pumunta sa lahat ng opening ng Beautederm branches sa Metro Manila.
“Oo kasi di ba isa ako sa endorser so dapat nandoon ako, kaming lahat na endorsers, kasama na rin siyempre si Arjo para sa Beautederm perfume,” sabi pa ng aktres sa kabilang linya.
Mahusay talaga sa negosyo ang CEO at Presidente ng Beautederm na si Rhea Ramos Anicoche-Tan dahil pang-25th store na ang nagbukas nitong Biyernes, na may pangalang Skinfrolic by Beautederm at matatagpuan sa 63 President Avenue, Commercial Center BF Homes, Parañaque City.
Nitong Miyerkules ay nagbukas din ang 24th store na Beautéfinds By Beautéderm sa
Unit 307 TNA Building Number 17, Jose Abad Santos St., Barangay Little Baguio, San Juan.
At siyempre pawang guwapo rin ang male endorsers nila tulad nina Carlo Aquino, Matt Evans at Arjo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.