1 ton ng shabu na nagkahahalaga ng P6.8B nakalusot sa PDEA, PNP
TINAYANG isang ton ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon ang posibleng ibinebenta na sa merkado matapos namang matagpuan ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa General Mariano Alvarez (GMA) Cavite ang apat na walang lamang magnetic lifters, na dating naglalaman ng iligal na droga.
Sa isang press briefing, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na natagpuan ang mga magnetic lifters sa isang warehouse sa GMA Cavite noong Agosto 9, na kahalintulad ng mga nakumpiska sa Manila International Container Terminal (MICT) noong Martes.
“Last August 7, during a press conference at MICT after PDEA, PNP, and Bureau of Customs intercepted a container with more or less 500 kilos of shabu, I mentioned that I have a gut feeling that four or five similar containers have slipped into our streets,” sabi ni Aquino.
“True enough […] we were able to locate four magnetic lifters located in Unit 4, Lot 1-18, CRS Subdivision, Barangay F. Reyes, GMA Cavite,” dagdag ni Aquino.
Sinabi ni Aquino na base sa impormasyon nanggaling ang mga magnetic lifters sa Taiwan.
“Initial information reveals that these illegal drugs came from Taiwan, Republic of China, and the syndicates only used Malaysia as a trans-shipping point,” sabi ni Aquino.
“PDEA and PNP are continuously conducting drug traffic investigation to determine other personalities involved in this operation,” ayon pa kay Aquino.
Ani Aquino 19 na persons of interest ang tinitingnan ng PDEA, kabilang ang mga Pinoy, Chinese at Malaysian national.
Hindi naman pinangalanan ni Aquino ang lahat ng persons of interest, bagamat kinilala ang isang Chao Yue Wah, na umanong nagsilbi bilang liaison officer para sa Golden Triangle international drug syndicate. Ginagamit ni Wah ang mga alyas na KC Chan, Tony Chan, at Albert Chan, ayon kay Aquino.
“This is very saddening. P6.8 billion worth of illegal drugs are now circulating anew in our streets,” sabi ni Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.