Dating magka-loveteam imposible nang ‘magbalikan’, mister ng aktres kumontra
MAY duda ang maraming katrabaho ng isang dating sikat na loveteam na hindi matutuloy ang kanilang pagbabalik-tambalan kahit pa maraming humikayat sa kanila.
Kumbaga sa hiwalayan ng magkarelasyon ay hindi rin pala naging maganda ang pagtatapos ng loveteam na ito, nagkaroon nang matinding away sa kanilang pagitan, hanggang sa humalo na sa gulo ang karelasyon ng aktres.
“Matindi ang naging paghihiwalay nila bilang magka-loveteam. Nagkaroon ng paksiyon-paksiyon, maraming nakisawsaw sa away, kaya ayun, tapos ang loveteam!
“Nu’ng gumagawa kasi sila ng pelikula, e, may karelasyon na ang girl, single na single naman ang guy as always, pero tinutulan ng boyfriend ng girl ang plano ng male personality na gustong palabasin na sila na.
“Natural, naapektuhan ang boyfriend ng girl, kumontra siya sa gustong palabasin ng male personality, kaya tinawagan niya mismo ang ka-loveteam ng girlfriend niya.
“‘Yun na ‘yun! Lumiit na ang mundo ng male personality, hindi na nagkaroon ng saysay ang kagustuhan niyang palabasin na sila na ng girl,” simulang chika ng aming source.
Galit sa male personality ang boyfriend ng girl, gusto raw kasi niyang gawing tau-tauhan lang ang guy, samantalang alam niya naman na hindi puwedeng palabasing sila na ng kanyang ka-loveteam.
Balik-chika ng aming source, “Mula nu’n, naputol na ang kahit anong communication ng magka-loveteam. Lalo na ang friendship nila na ilang taon ding nagtagal, e, lumipad na rin!
“Pinagbawalan na ang female personality ng karelasyon niya na huwag na huwag nang makikipag-usap pa sa guy. As in, Kahit friendship lang, hindi na dapat pang makipag-usap ang girl sa kanyang ka-loveteam.
“Lalo na ngayon na sila na talaga ng male personality, may family na sila, di lalo na siyempreng hindi makapapayag ang guy na gumawa pa siya ng pelikula na ang katambal, e, ang ex ka-loveteam niya!
“Walang problema sa aktor, pero sa girl, meron! Kokontrahin lang ‘yun ng asawa na ngayon ng aktres, promise!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, sayang naman, umaasa pa naman ang mga faney ng loveteam na magkakatrabaho pa uli sila. Nakakaawa naman ang papa n’yo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.