Joey type gumawa ng video scandal: Gusto kaya nila? | Bandera

Joey type gumawa ng video scandal: Gusto kaya nila?

Ervin Santiago - August 08, 2018 - 12:30 AM

MUKHANG hindi pa masyadong tanggap ni Joey Marquez ang relasyon ng kanyang anak na si Wynwin Marquez kay Mark Herras base sa himig ng kanyang mga sagot sa nakaraang presscon ng pelikulang “Unli Life”.

Sinabi naman ni Tsong na wala siyang masamang sasabihin tungkol kay Mark pero parang may issue siya sa future ng dalawa.

“Very civil kami. Wala naman akong ano sa kanya, e! Wala akong against sa kanya. Ang iniisip ko lang, kailangan, para makapasok ka sa isang seryosong relasyon, secure kayo pareho.

“Kasi, hindi puwedeng puro pag-ibig lang. Iyang pag-ibig, natutunaw iyan pag wala nang pagkain sa lamesa, e. Ibang usapan na kapag walang pagkain, walang pambayad ng electricity,” ani Joey.

Natanong din siya ng press kung ano ang naging reaksyon niya sa kumalat na self-sex video ni Mark, gulat na sagot ng tatay ni Wynwin, “Ano yun? Meron ba?” Pero aniya, “Okey lang yun, kasi part iyon ng being young, e. Okey lang sa ‘yun kasi lalaki ako, e!”

Biro uli ni Tsong, “Ako, gusto ko ngang gumawa, e! Meron kayang may gusto? Meron kayang manonood? Meron ba? Sana pala, nagpakuha ako, ‘no?! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Alam n’yo ba na 14 ang anak ni Joey sa iba’t ibang babae at anim na ang kanyang apo. Hugot ng magaling na comedian gusto niyang magkaroon ng apo sa lahat ng kanyang anak, pero sana raw ay pagsikapan muna ng mga ito ang magkaroon ng magandang buhay.

“Dati kasi ako puro puso ako. Nakalimutan ko na mas mataas pala ung ulo sa puso. E, kasi, pagkakaalam ko noon, mataas ang puso sa ulo,” sabay tingin sa ibabang bahagi ng kanyang katawan at humirit ng, “Baligtad pala yun! Ha! Ha! Ha! Ha! Ngayon ko lang na-discover, nasa taas pala!”

May karelasyon siya ngayon na stewardess, “I am with somebody na private na naiintindihan ang sitwasyon ko. Na tinanggap, priority ko ang mga anak ko.”

Hirit pa ni Tsong sa pagiging lapitin ng mga babae, “Kasi siguro, alam mo… daig ng may humor yung magandang lalaki. At saka may kasabihan tayo, di ba? Sabi nila, ‘It’s not how big it is, it’s how you use it.’ Ang problema sa akin, big na nga, I know how to use pa!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, very thankful si Tsong Joey sa Regal Entertainment, lalo na kina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde dahil pinagsama sila ni Wynwin sa “Unli Life”, isa sa mga kalahok sa 2nd Pista Ng Pelikulang Pilipino kasama si Vhong Navarro at ang anak na si Wynwin.

Mapapanood na ang “Unli Life” simula sa Aug. 15 sa mga sinehan nationwide, sa direksyon ni Miko Livelo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending