Magandang female star kumuha talaga ng 'yaya' para bantayan ang mga alagang aso | Bandera

Magandang female star kumuha talaga ng ‘yaya’ para bantayan ang mga alagang aso

Cristy Fermin - August 08, 2018 - 12:15 AM

MAPAGMAHAL sa kanyang mga alagang pets ang isang magandang aktres. Bata pa lang kasi siya ay talagang mahilig na siyang mag-alaga ng mga aso at pusa. Kasa-kasama niya ang kanyang mga alaga kahit saan siya magpunta.

May kasama rin siyang tagapag-alaga, hindi nakakaabala sa kanyang trabaho ang mga alaga niyang aso, inspirasyon niya ang mga ito.

Kuwento ng aming source, “Naloloka ang mga katrabaho niya kung paano niya mahalin ang mga pets niya. Sa food na lang, ipinaghihimay pa ng mga nag-aalaga ng chicken ang mga alaga niyang dogs.

“Parang tao kung ituring niya ang mga pet dogs niya. Talagang pinupunasan pa niya ng bimpong ibinabad sa yelo kapag mainit ang panahon, hinahalik-halikan niya ang mga pets niya, ganu’n siya katinding magmahal ng mga alaga niya,” simulang chika ng aming source.

May isang aktor na nanligaw sa aktres, sa umpisa pa lang ay binasted na niya agad ang aktor, dahil wala itong kahilig-hilig sa mga aso.

“Nu’ng minsan kasing magpunta ang aktor sa house nila, e, takot na takot na siya agad sa mga aso. Parang nababahuan din siya sa paligid, samantalang ang linis-linis naman.

“Nu’n pa lang, waley na agad siya sa beautiful actress, kasi nga, hindi sila magkakasundo dahil parang nandidiri ang male personality sa mga alaga niya,” kuwento uli ng aming source.

Nu’ng minsang mag-break sa taping ay nagulat ang kanyang mga kapwa artista, pati ang staff and crew, dahil kinakausap ng magandang aktres ang kanyang mga alaga.

Kuwento ng impormante, “Hindi pa kasi open ang relasyon nila nu’n ng isang hunk actor, may-I-deny pa silang pareho kapag inurirat sila ng mga reporters. Pero dahil sa pakikipag-usap niya sa mga alaga niyang aso, e, na-confirm ng mga nandu’n kung sino ang boyfriend niya.

“Ang sabi niya kasi sa mga alaga niya, ‘Oh, stay lang there, ha? Work muna si mommy, later naman, daddy is coming to fetch us.’ Naloka ang mga nakarinig sa kanya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nu’ng matapos na ang work ng girl, e, dumating nga ang daddy ng mga aso, ang hunk actor na hindi pa niya inaamin nu’n na karelasyon na niya. Sila na nga, self-balloon ng mga miron, sila na nga talaga!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, sayang lang dahil hindi naman sila nagkatuluyan. May kani-kanyang pamilya na sila ngayon, pero ang ganda-ganda pa rin ng aktres, hindi nagbabago ang kagandahan niya!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending