Agot kay Mocha: Ikaka-proud mo talaga, ito Asec? Wala namang babuyan!
ILANG celebrities ang nag-react sa “Pepedederalismo” viral video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson na ikinagalit ng ilang senador at mga netizens dahil sa pambabastos diumano sa isyu ng federalism sa bansa.
Kumalat sa social media ang isang video clip mula sa Good News Game Show ni Mocha kasama ang blogger na si Drew Olivar kung saan makikita itong kumakanta ng “Ipe-pe, ide-de” habang hinahawakan ang kanyang private parts. Ito ang naisip nilang gimik para raw ipaintindi sa publiko kung ano ba talaga ang pederalismo.
Ngunit hindi nga ito nagustuhan ng ilan nating mga kababayan, kabilang na ang mga kilalang celebrities, kabilang na nga riyan ang mga kilalang kritiko ng Duterte Administration na sina Agot Isidro at singer-actor na si Jim Paredes.
Tweet ni Agot, “Ikaka-proud mo talaga ito, Asec? Matanong ko lang. Wala namang babuyan. Isaayos ang trabaho para may kaunting credibilidad.”
Ayon naman kay Jim Paredes,”We pay people like them for this? Grabe na to.”
Tweet naman ni Ethel Booba, “Pa-refund po noong 90M budget. Charot! #Pepederalismo!” Na sinundan pa ng, “Actually I read a lot of articles on Google about Con-con and Con-Ass.
There are some part na di ko maintindihan talaga what more yung mga kababayan nating walang internet access. And it’s not bad if we ask our gov’t to explain that because that is part of their job. Charot!”
Pati ang TV host-comedian na si Ogie Diaz at nag-react din sa pinaggagawa ni Mocha sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. Aniya, “Ganito pala kababaw ang Federalismo. Nakakalungkot pala… Ang cheap-cheap na ng politics ngayon, kalokah.”
“Hihintayin pa yata ni Mocha na si PDuterte ang aako ng kasalanan niya at mag-sorry para sa kanya. #MahiyaDinSana,” dagdag pa ni Ogie matapos depensahan ni Mocha ang ginawa nilang video.
Ito naman ang reaksyon ng indie actress na si Chai Fonacier sa viral video nina Mocha at Drew, “Mocha Uson knows that we know that she knows that she knows nothing and that she’s there for money. Wag na tayong maglokohan.”
Sa kanyang Facebook post, tinawag ni Mocha ang mga senador na bastos kasabay ng pagkuwestiyon sa pagharap sa Senado ng abogadong si Glenn Chong tungkol sa nakaraang 2016 elections.
“Ako nagtitimpi lang dito sa ILANG mga Senador na ito. Matagal niyo nang pinaglalaruan ang taumbayan. Sino ngayon ang mas baboy sa atin???? Ang laki ng sahod at pondo niyo pero saan niyo ginagamit? Ako na walang natangap diyan sa Pederalismo na ‘yan pero sasabihin niyo ‘binabastos’ ko. KAYO ANG BUMABASTOS SA KATOTOHANAN.”
“Bakit niyo pinipigilan si Atty Glenn Chong at nililihis ang issue? Nakinabang ba kayo sa dayaan??? O nakinabang ba ang mga kaibigan ninyo? KAYO ANG BASTOS!!!” matapang pang mensahe ni Mocha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.