Singil sa kuryente ngayong Agosto tataas
TATAAS ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan ng P0.0265 kada kiloWatt hour.
Mula sa P10.2190 kada kWh, ang singil ng Meralco ay tataas sa P10.1925 kada kWh. Ang kumokonsumo ng 200kWh kada buwan ay magkakaroon ng dagdag na P5 sa buwanang singil.
Tumaas umano ang generation charge noong Hulyo sa P5.3491 kada kWh mula sa P5.2651 sanhi ng mas mahal na halaga ng produktong petrolyo na ginamit sa paggawa ng kuryente.
Ang pagtataas ay Bahagya namang nabawasan ng pagbaba sa presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market at Independent Power Producers na isinuplay ng Meralco sa mga kustomer nito.
Nabawasan din ang transmission charge sa mga residential customers ng P0.0803 kada kWh.
Tumaas naman ang buwis at iba pang sinisingil sa mga kostumer ng P0.0228 kada kWh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.