Direktor ng 2018 Cinemalaya entry na 'Dapithapon' certified AlDub fan | Bandera

Direktor ng 2018 Cinemalaya entry na ‘Dapithapon’ certified AlDub fan

Reggee Bonoan - August 06, 2018 - 12:30 AM

ANG direktor ng “Kung Paano Hinihintay Ang Da-pithapon” (kasama sa 2018 Cinemalaya Film Festival) na si Carlo Encisco Catum ay tubong-Angeles, Pampanga at nagtapos ng kursong Hotel & Restaurant Management sa Holy Angel University.

Si direk Catu rin ang direktor ng pelikulang humakot ng maraming awards sa labas ng bansa na “Ari: My Life With A King” na unang pelikula ng kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin na nag-uwi rin ng kaliwa’t kanang awards bago siya napansin sa award-winning movie na “Pamilya Ordinaryo.”

“That movie became my ticket to film industry kasi Kapampangan ‘yung pelikula, it’s a mix Kapampangan and Tagalog ang salita. Ang maganda po kasi, nanalo kami in and out of the country.

“First naming panalo ay ‘yung sa New York (Harlem International Film Festival 2015) for Best World Film, tapos napunta kaming India, tapos London. Nanalo rin po kami rito (Pilipinas) sa MMFF 2015, New Wave Best Feature Film, nag-best actor pa ‘yung artista ko,” bungad na kuwento ni direk Carlo nang tanungin namin kung paano siya nagsimula sa filmmaking.

Unang pelikula ni direk Carlo ang “Ari” na sinundan ng “Aria” na hindi pa naipalalabas hanggang nga-yon, at itong “Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon” ang ikatlong pelikulang nagawa niya na kasalukuyang ipinalalabas sa 2018 Cinemalaya. Ayon sa mga nakapanood na nito, hindi imposibleng humakot din ito ng awards.

HRM ang natapos ni direk Carlo pero nakapag-aral siya nang libre ng short courses for filmmaking sa maraming bansa tulad ng London, Cambodia at Japan.

Halos lahat ng nakausap naming direktor o mga artista ay nagsabing kaya sila nahilig sa showbiz ay dahil mahilig silang manood ng mga pelikula, pero iba si direk Carlo.

“Not at all, kasi mahirap po kami. Hindi naging parte ng kultura namin ang panonood ng pelikula. Matanda na ako nang manood ako ng sine, yung ‘Ouija’ (2007). Kailan lang ‘yun, high school lang ako noon. Pero ang alam ko, mahilig akong magkuwento and the same time theater actor ako, so I know the language.

Aminado si direk Carlo na ‘yung first movie niya na “Ari” ay hindi kumita at alam niyang hindi ito dapat ipagsawalang bahala, “Dati po idealistic ako, okay na ako kung makagawa ako ng pelikula maski hindi kumita, pero ngayon po ang dami ko nang natutunan at hindi naman puwedeng kumakalam ang sikmura ko.

“Sabi ko sa sarili ko after ‘Ari’ at ‘Aria’ at itong ‘Dapithapon’, gusto kong gumawa ng mainstream films to reach a wider audience na babalanse na quality films and at the same time nahahawakan din ng audience. ‘Yung sana matutuwa rin ang producer ko in terms of financial aspect.

“Dati kasi stubborn ako, nandoon ako sa puntong, wala akong pakialam sa audience. Ngayon natuto na po ako na gusto kong lumaki ‘yung mga taong nanonood ng mga pelikulang gagawin ko. Kung dati po, ayaw kong mag-adjust, now I’m willing,” mahabang sabi ni direk Carlo.

Pangarap niyang idirek sa mainstream si Alessandra de Rossi, “Ewan ko po pero siya lang lagi ang nasa utak ko. Kahit anong ibato mo, ang husay niya talaga. Kung gusto kong gumawa ng love story, gusto ko ang AlDub, sina Alden (Richards) at Maine (Mendoza), hindi naman po ako maka-GMA pero AlDub Nation ako.

“Kung sa ABS-CBN gusto ko si Liza Soberano. Gusto ko ring makatrabaho sina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Angel Locsin, tuwang-tuwa ako sa kanila. Sa lalaki si Sid Lucero, of course John Lloyd (Cruz) at Dingdong (Dantes). Gustung-gusto ko siya sa Sid And Aya.”

Binalikan namin ng tanong si direk Carlo kung bakit hindi siya nanonood ng sine at wala ito sa kultura ng pamilya nila, “Kasi mas importante po sa aming pa-milya na makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Working student ako from high school. Literal akong naglilinis ng school from 1st year high school to 2nd year college.

“Naglilinis ako ng classroom for me to get a scholarship. Ginawa ko ‘yun for four years. At nu’ng college naman ako, sa library naman ako, depository counter. Masakit para sa akin noon na pinapanood ako ng mga kaklase ko na naglilinis ng classroom.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero naiintindihan ko na ngayon kung bakit ako nakakapagkuwento kasi it makes sense. Noon kasi I hate myself, I hate my life, I hate my parents na bakit nag-anak-anak kayo tapos hindi ninyo ma-provide ‘yung kailangan namin,” pagtatapat pa ni direk Carlo. Dagdag pa niya, “May plano si Lord kaya siguro niya pinaranas sa akin lahat ito.”

Samantala, magkakaroon ng gala night ang “Kung Paano Hinihintay Ang Da-pithapon” sa Miyerkules, Agosto 8, 9 p.m. na dadaluhan ng mga bidang sina Perla Bautista, Menggie Cobarrubias at Dante Rivero. Kasama rin sa movie sina Romnick Sarmenta, Ryan Ronquillio, Jacqueline Cortez, Dunhill Banzon, Stanley Abuloc at Che Ramos mula sa panulat ni JC Pacala under Cineko Productions at CleverMinds Inc., kasama ng CMB Film Services at CG Post Production.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending