'Hindi na kailangang mag-shopping ni Kris Aquino sa mga sosyaling mall sa Hollywood!' | Bandera

‘Hindi na kailangang mag-shopping ni Kris Aquino sa mga sosyaling mall sa Hollywood!’

Cristy Fermin - August 05, 2018 - 12:20 AM

KRIS AQUINO

HINDI lang ang pagdalo sa red carpet premiere night ng “Crazy Rich Asians” ang isinadya ni Kris Aquino sa Amerika, kasabay na rin ‘yun ng pamamasyal ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, isasabay na rin siguro ng aktres-TV host ang pagsi-shopping.

Kumpleto ang mga signature shops sa Beverly Hills na malapit lang sa Hollywood, ‘yun ang balwarte ni Kris, kahit pa kung tutuusin ay hindi niya na kailangan pang magpagod sa pag-iikot sa pangmayamang lugar.

May nagtatrabahong anak ang aming kaibigan sa isang sikat na branded shop, kapag may mga new arrivals sila ay si Kris agad ang pinadadalhan nila ng catalogue, du’n pipiliin ng TV host ang mga gusto niya na agad namang ihahanda ng branded shop para maideliber agad sa kanyang bahay.

At si Kris ang unang-unang alam naming idinadaan ang kanyang mga nagustuhan online.

Magkakasama pa kami nu’n, panay-panay ang tutok niya sa kanyang mga gadgets, ganu’n pala ang ginagawa niya kapag may mga bagong labas na branded stuff na wala pa rito sa atin.

Nakabagahe na ang mga nagugustuhan niya, maaga siyang umuuwi ng bahay para alamin kung kumpleto ang mga order niya, iba talaga ang buhay ng mga yayamanin.

Sila ang nilalapitan, sila ang pinupuntahan ng mga negosyante, hindi na nila kailangang magpakapagod pa sa pagsi-shopping.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending