MYX, Asianovela, O Shopping, Jeepney TV aariba na sa TVPlus | Bandera

MYX, Asianovela, O Shopping, Jeepney TV aariba na sa TVPlus

- August 01, 2018 - 12:35 AM

MAS marami na ngang mapagpipilian na mga programa ang pamilyang Pilipino dahil sa handog ng ABS-CBN TVplus – ang limang bagong channels sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Metro Cebu na nagsimula na last Monday.

Dagdag sa channel lineup ang dalawang bagong exclusive channels na Asianovela Channel at
Movie Central na may kasama pang MYX, Jeepney TV at O Shopping.

Permanenteng magiging libre ang O Shopping na isang home TV shopping channel, samantalang naka-free trial naman ang apat na bagong channel hanggang Dis. 31, 2018.

“Naniniwala kaming dapat mabigyan ang bawat Pilipino ng pagkakataon na mapanood sa kanilang tahanan ang mga dekalidad na mga programa. Bukod sa magbibigay saya ang limang channels sa mga pamilya, sumasalamin din ito sa aming misyon na patuloy na maghatid ng kapanapanabik na mga programa sa ating mga Kapamilya,” ani Chinky Alcedo, head of ABS-CBN digital terrestrial television.

Ang Asianovela Channel ang una at natatanging channel sa digital free TV na handog ang iba’t ibang uncut classic at blockbuster Asian dramas at movies na naka-dub sa Filipino.

Ipalalabas sa bagong channel ang mga popular at award-winning na TV series tulad ng Goblin, Love In The Moonlight, Sensory Couple at marami pang iba.

Ang Movie Central naman ang first all-English movie channel ng ABS-CBN naeksklusibo sa TVplus na maghahatid ng bigating Hollywood blockbusters.

Tahanan na rin ng Jeepney TV ang TVplus para matunghayan ng viewers ang mga classic Kapamilya shows. Bukod dito, may daily catch-up viewing din ng same-day episodes sa Jeepney TV ng Magandang Buhay, It’s Showtime at ASAP.

Tiyak ding magugustuhan ng music lovers ang MYX, ang numero unong music channel sa buong bansa, dahil sa OPM at international music videos nito na ipinapalabas 24/7.

Posible na rin na makapamili ang TVplus users sa kanilang tahanan dahil sa O Shopping na may maraming tampok na produkto.

Samantala, umaasa naman si Alcedo na mas mahikayat pa ang iba pang Pilipino na lumipat sa digital TV dahil sa bagong channels, lalo na na palapit na ang government mandated 2023 deadline na dapat naka-digital broadcast na ang bansa. Mayroon nang 5.5 million ABS-CBN TVplus boxes na nasa mga kabahayan sa buong bansa na patuloy na dumarami.

“Sana makita ng mas maraming Pinoy ang kahalagahan ng DTT sa paglunsad ng new channels. Gagawin ng ABS-CBN ang lahat ng makakaya nito para patuloy na pangunahan ang paglawak ng DTT sa bansa,” ani Alcedo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dumalo rin sa presscon sina ABS-CBN TVplus product manager Alvin Ebrada, Asianovela Channel channel head Carlota Rosales, Movie Central channel head Ronald Arguelles, Jeepney TV channel head Cindy de Leon, MYX VJ Ai, and O Shopping business development head Paper Reyno.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa tvplus.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBN TVplus sa Facebook.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending