Binubulate ba ang anak mo? | Bandera

Binubulate ba ang anak mo?

Blesilda Begas - July 30, 2018 - 08:00 AM

ISA sa mga programa ng Department of E-ducation ay ang deworming sa mga estudyante.

Nakikipagtulungan ang DepEd sa Department of Health sa implementasyon ng pagpupurga sa mga estudyante bilang bahagi ng pagpapaganda ng kanilang kalusugan.
Sa Pilipinas ang buwan ng Hulyo ay itinuturing na National Deworming Month.

Ayon sa 2013-2015 National Parasite Survey ng DOH-Research Institute of Tropical Medicine mayroong Soil Transmitted Helminths sa 28.4 porsiyento ng mga bata sa eskuwelahan.

Sa 2004 research ng DoH-University of the Philippines at United Nations Children’s Fund, anim sa bawat 10 pre-school pupil na edad 1-5 ay mayroong STH.

Lima naman sa bawat 10 bata na edad anim hanggang 14 ay may STH batay sa pag-aaral ng UP noong 2003.

Noong Hulyo 2016, sinabi ng DoH na sa 19.2 milyong edad lima hanggang 18 na nag-aaral sa public school, 15.8 mil-yon o 82.4 porsiyento ang napurga.

Sa 10.5 milyong pre-school age children na edad isa hanggang apat-taon gulang, 7.8 milyon o 74.3 porsiyento ang na-deworm.

Noong Enero 2017, 84.5 porsiyento ng 20.1 milyong estudyante o 17.06 porsiyento ang napurga, samantalang 7.9 milyong pre-school sa 10.6 milyon o 74.6 porsiyento ang na-deworm.

Bakit dapat magpurga?

Ayon sa World Health Organization ang STH ay sumisira sa nutritional status ng tao.

Kumakain ang bulate sa katawan ng tao at kabilang sa kinakain nito ang dugo na nagreresulta sa pagkawala ng iron at protein.

Kung hookworms ang makakapasok sa katawan ay nagdudulot ito ng chronic intestinal blood loss na magreresulta sa anaemia.

Sinisira rin ng mga ito ang malabsorption capability ng katawan upang i-absorb ng nutrients.

Ang mga round worms ay nakikipagkompitensya pa sa tao sa paggamit ng Vitamin A mula sa mga kinakain.

May mga STH na nagdudulot ng pagkawala ng gana sa pagkain.

Ang T. trichiura naman ay nagdudulot ng diarrhea at dysentery.

Paano nakakapasok sa katawan ang bulate?

Kadalasan hindi bulate kundi itlog ng bulate ang nakakapasok sa katawan ng tao. Sumasama ito sa pagkain gaya ng gulay kung hindi nahuhugasan at naluluto nang mabuti.

Pwede rin na sumiksik ang maliliit na itlog na ito sa mga daliri ng bata kapag naglalaro sa lupa at maaaring makapasok sa katawan kapag nagkakagat ng daliri.

Kapag nakapasok sa katawan, mapipisa ito at doon na lalaki.

Ang isang bulate ay nangingitlog ng libu-libo at nakalalabas sa katawan kasama ng dumi. Sa mga lugar kung saan hindi sapat ang sanitasyon ay maaaring mapunta ang mga itlog sa pagkain kaya mahalaga ang paghuhugas ng kamay lalo na kung ga-ling sa banyo.

Gamot
Mabisa umano ang deworming o preventive chemotherapy upang maalis ang bulate at maiwasan itong makapaminsala sa katawan.

Inirerekomenda ng WHO ang pagsasagawa ng taunan o dalawang beses kada taon na pagpupurga gamit ang albendazole o mebendazole.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung napakarami na ng bulate sa katawan maaaring irekomenda ang doktor na sumaila-lim sa surgery ang pasyente.

Mga sintomas ng mga batang may bulate:
1. Madalas ang pananakit ng tiyan
2. Walang gana kumain
3. Nangangati ang puwit, lalo na sa gabi.
4. Pagsusuka
5. Namamayat
6. Lumalaki ang tiyan
7. Namumutla
8. Mababang IQ o mahina ang retention sa
eskwela
9. Mababang resistensiya o sakitin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending