GMA camp hindi makikialam sa minority | Bandera

GMA camp hindi makikialam sa minority

Leifbilly Begas - July 29, 2018 - 05:47 PM

HINDI pakikialaman ng House majority bloc kung sino ang magiging lider ng minorya sa Kamara de Representantes.

Ayon kay Deputy Speaker Rolando Andaya bahala ang minority bloc kung sino ang kanilang magiging lider.

“Hindi pwedeng makialam ‘yung miyembro ng majority kung paano sila boboto at sino ‘yung mga kikilalanin nilang kandidato. As much as possible, didistansiya kami,” ani Andaya.

Naniniwala si House Minority Leader Danilo Suarez na siya pa rin ang lider ng minorya dahil hindi naman nabakante ang kanyang posisyon.

Naghain naman si Marikina Rep. Miro Quimbo ng intensyon na maging lider ng minorya kasama ang 12 miyembro ng Liberal Party. Bumoto umano si Suarez na maging speaker si Arroyo kaya siya ay bahagi na ng majority bloc.

Sumulat na rin ang natanggal na speaker na si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez upang ang kanyang grupo ang maging minority bloc.

Gusto rin ng Makabayan bloc na ang maging minority leader ay si ACT Rep. Antonio Tinio.

“Siguro, kung talagang aabot sa punto na kailangang magdesisyon, siguro ‘yung guidelines lang kung paano ang pagpili nila. ‘Yung aktwal na pagpili ng pinuno, hindi kami puwede. Sila lang ang puwedeng magresolba,” ani Andaya.

Sinabi naman ni Quimbo na maganda kung bababa na si Suarez para maging tama ang pamumuno ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

“Ang panawagan natin d’yan kina Cong. Suarez ay sana bigyan natin ng magandang panimula si Speaker GMA. Matagal si Speaker GMA na nanahimik. Ito ang pagkakataon n’ya para mamuno ng tama. Ipakita n’ya kung anong klaseng Kamara ang dapat tayong magkaroon dahil ‘yan na ang dahilan kung bakit pinalitan si Speaker Alvarez…ang kawalan ng minorya, ang kawalan ng pagkontra, ang pag-iipit at panggigipit sa mga hindi sumasang-ayon sa kanya (Alvarez),” ani Quimbo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending