Horoscope, July 27, 2018 | Bandera

Horoscope, July 27, 2018

Madam Sophia - July 27, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isipin muna ang kapakanan ng sariling pamilya bago maging mabait sa iba. Sa pinansyal, tuloy ang dating ng masaganang kapalaran, at hindi na ito mauubos pa basta’t matuto ka lang magmahal sa pera. Mapalad ang 3, 12, 27, 31, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Gayatri-Om.” Green at peach ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Simulan na ang negosyong may kaugnayan sa tindahan. Sa pag-ibig, hanapin ang kasuyong may birth date na 5, 14 o kaya’y 23 – siya ang makatutulong sa iyo upang yumaman. Mapalad ang 8, 12, 15, 28, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jaya-Dosya-Ritum-On.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ang pagdadalawang-isip ang nagiging pangunahing hadlang ng pag-unlad. Kaya ang dapat, kung ano ang unang pumasok sa isipan, gawin mo agad at magtatagumpay ka. Sa pag-ibig, kikiligin ang kasuyo sa bagong romansang ipatitikim mo sa kanya. Mapalad ang 6, 15, 27, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiri-Om.” Pink at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Isang Sagittarius ang magdadala ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, isang Libra ang kikiliti sa iyong damdamin at sa iyong nanabilik na katawan, nakakikilig na relasyon ang magiging kasunod. Mapalad ang 5, 14, 15, 23, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aumr-Khangaya-Kapor-Om.” White at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Muling patatagin ang gumegewang na relasyon. Balikan ang mga lugar na una n’yong pinag-datetan. Minsan higit na mas mahalaga sa limpak-limpak na salapi ang isang wagas at matimyas na relasyon. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Old rose at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pag-ibig, mamayang gabi ay uwian ang kasuyo ng pagkaing bilog, may sabaw at nagpapalakas ng tuhod upang tuloy-tuloy siyang makaiskor. Sa pinansyal, habang namimigay, parang talbos ng kamoteng baging, tuloy ang pasok ng maraming salapi at tuloy rin ang paglago ng kabuhayan. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Yellow at gray ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ito ang araw na dapat ka ng magmadali dahil sa pagmamadali mo mapipitas ang tagumpay na matagal mo ng hinahangad. Sa pag-ibig, habang umuulan ngayon na ang panahon upang magparamdam sa minamahal. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Lilac at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Wag maghangad ng kung ano-anong bagay. Alalahaning mas masaya ang buhay ng simpleng pamilya, pero may savings o ipon. Kaya ngayon na ang tamang panahong upang ikaw ay mag-save. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong Aquarius dahil kahit na paano marunong naman siyang magpatawa na hinahanap mo sa isang taong nais mong mahalin habang buhay. Mapalad ang 6, 9, 18, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Mag-invest ng time sa mga bagay na hindi lumilipas at nanatili magpakailan man, ito ay ang pag-ibig at ang pagmamahal at pagtulong sa kawpa. Himukin ang kasuyo na magpayaman upang mas marami kayong matulungan. Mapalad ang 5, 7, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Gray at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kung ang iba ay nauubusan ng pera kapag gasta nang gasta, ang sa iyo ay kakaiba. Habang bili ka nang bili ng mga kung ano-anong bagay na nagiging abubot lang sa taguan, tuloy-tuloy naman ang dating sa iyo ng maraming pera. Sa pag-ibig, masarap ang romansa na hindi gaanong pinaghandaan o biglaan lang na nangyari. Mapalad ang 3, 13, 30, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Tetra-Om.” Pink at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy mo lang ang lahat ng mga balak at hangarin mo sa buhay dahil tiyak ang magaganap, ito ang araw na magsisimula kang umunlad at magagumpay sa lahat ng iyong layunin at inaambisyon sa buhay. Sa pag-ibig, mahuhumaling na naman ang puso mo sa maling nilalang. Mapalad ang 4, 8, 17, 25, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatna-Mandala-Om.” Blue at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi dapat panghinaan ng loob basta’t magtiwala sa sarili kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, may isang Libra na lihim na nagkakagusto sa iyo, sa sandaling siya ay nagpakilala, tuloy-tuloy ng mabubuo ang isang mainit at nakapananabik na relasyon. Mapalad ang 4, 11, 28, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Tri-Aum.” Lilac at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa araw na ito magiging mabunga ang bawat pagkilos! Kaya ang dapat kumilos ka nang kumilos dahil lahat ng ayuda ng kapalaran ay papabor sa iyo. Sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, isang Scorpio ang kikiliti ng iyong imahinasyon hangang sa kusa ka na lang na bumigay. Mapalad ang 2, 16, 24, 31, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Mayabeeja-Om.” Red at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending