John mas pinili ang offer ng GMA kesa sa serye ng ABS | Bandera

John mas pinili ang offer ng GMA kesa sa serye ng ABS

Ervin Santiago - July 27, 2018 - 12:40 AM

JOHN ESTRADA

Mas pinili ni John Estrada ang offer ng GMA 7 kesa sa bagong proyektong gagawin sana niya sa ABS-CBN. Kung hindi kami nagkakamali kasama sana siya sa The General’s Daughter ni Angel Locsin.

Nakausap namin ang aktor sa nakaraang presscon ng bagong fantasy adventure series ng GMA, ang Victor Magtanggol kung saan gaganap siyang kontrabida ni Alden Richards.

“Honestly in-offer ako sa ABS, para sa akin talaga yung project hindi ko na lang sasabin kung ano yun. Siyempre kumuha na sila ng ibang artista. Siyempre pangit naman on my part kung sasabihin ko pa ‘yun. Pero yes, nagpaalam ako ng maayos sa mga boss ko du’n,” paliwanag ni John na naging kontrobersyal nga ang pag-alis sa Kapamilya Network dahil sa naging isyu sa kanila ni Mylene Dizon habang ginagawa ang huli niyang teleserye doon.

Hindi mahindian ni John ang offer ng GMA dahil matagal na raw niyang gustong gumawa uli ng telefantasya at main kontrabida pa ni Alden, “Napa-transfer talaga ako because of this project. At ang maganda rito, lahat ng suggestion namin, they take it in a nice way.”

Dagdag pa niya, “Tsaka engrande siya. Malaking proyekto. Sabi nga nila, this is the biggest of GMA this year. Gusto ko yung karakter ko as Loki.
Tapos, magiging tao rin ako as Dr. Nikolai So, deceiving talaga yung character.”

Puring-puri rin ng aktor ang kanyang co-stars sa VM na magsisimula na sa Lunes sa GMA Telebabad, lalo na sina Alden at Pancho Magno, “Noong nagkaeksena kami ni Alden, wala pang one week, lalo na si Pancho…ang laki ng katawan nito, ah, parang… gago kaya ito? Pero hindi! Ambait! Ambait talaga! Feeling ko nga ang tagal ko na rito sa GMA.

Natanong din kay John ang tungkol sa isyung kinasangkutan niya noong nasa ABS-CBN pa lang siya, partikular na ang chika sa kanila ni Mylene Dizon? “Wala na yun. Binaon ko na sa lupa,” sagot ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending