Balo papasok sa bagong relasyon | Bandera

Balo papasok sa bagong relasyon

Beth Viaje |July 25,2018
facebook
share this

Balo papasok sa bagong relasyon

Beth Viaje - July 25, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Ako po si Rhea, 30 years old, mula po ako sa La Trinidad, Benguet,

May problema po ako ngayon.

Isa po akong balo. Meron pong mga nanliligaw sa akin. Bale, limang taon na pong patay ang aking asawa, ang kaso po ay parang hindi ko siya makalimutan.

Ano po ba ang dapat kong gawin para makalimot ako?

Salamat po.

Rhea

Dear Rhea,

Sa totoo lang, teh, hindi ka makakalimot.

Asawa yan, eh. Walang haba ng panahon para masabi natin na nalimutan na ang isang asawang namayapa.

Huwag mong madaliin ang sarili mo. Thirty years old ka pa lang. Ayusin mo muna sarili mo, gawin ang mga kailangang gawin. Tuparin ang mga pangarap at naisin.

Hindi porke’t may nanliligaw, sasagot naman at makikipag-nobyo na agad.

Kung gusto nilang maghintay, magtiyaga sila hanggang sa ready ka na.

Huwag kang pa pressure na magkarelasyon agad.

Pagalingin mo muna ang puso mo. Pagalingin mo muna buhay mo. Bata ka pa naman. Wag magmadali.

Hello, Beth.

Nakakahiya man na sa edad kong ito ay gusto ko pa rin sanang makatagpo ng isang lalaking totoo na makakasama ko habambuhay.

Posible pa kaya ito?

Tawagin mo na lang akong si Miss Scorpio, widow, at 65 years old from Iligan City.

Miss Scorpio

Mader, hello!

Sa totoo lang, mader, walang pinipiling edad ang pag-ibig. Kaya posibleng-posible pa rin naman na makatagpo kayo ng lalaking makakasama ninyo sa buhay.

Hindi masamang umasa. Sabi nga nila hope springs eternal.

Ngayon ay pagtuunan ang sarili. I-enjoy ang bawat araw, huwag magpa-stress sa mga problema sa buhay. At huwag na huwag din magpa-stress kung walang dumadating na lalaki na manliligaw.

Hindi kailangan umikot ang iyong mundo sa lalaki lang, di ba?

Pag may dumating at type mo at mahal mo, go! Pero pag wala naman, aba dapat keri lang! Dapat masaya pa rin ang life. There are a lot of things to be happy about.

Ateng Beth

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa puso o relasyon sa asawa o BF/GF, sa pag-aaral at kung ano-ano pa, maaring mag email kay Ateng Beth sa [email protected] o mag-text sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending