Clarkson inimbitahang maglaro sa Gilas sa Asian Games | Bandera

Clarkson inimbitahang maglaro sa Gilas sa Asian Games

Angelito Oredo - July 25, 2018 - 12:15 AM

MAY pusibilidad na ang manlalaro ng Cleveland Cavaliers na si Jordan Clarkson ang maging flag bearer ng pambansang koponan ng Pilipinas sa darating na 18th Asian Games sa Indonesia.
Ito ay kung papayagan ng mother team nito sa NBA na maglaro siya para sa Gilas Pilipinas.
Ito ang isiniwalat ng isang mataas na opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) matapos na matanggap ang isinumiteng 18-man lineup ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na maglalaro para sa Asian Games.

“A total of 18 names have been submitted by SBP to POC to compose the Gilas team to Asian Games among them is Jordan Clarkson and mostly Rain or Shine players. If Cleveland allows Clarkson to play for the Philippines, he will be our flag bearer in the Asiad,” sabi ng opisyal ng POC.
Dahil sa pagkakasusindi ng FIBA sa 10 manlalaro ng Gilas bunga ng kaguluhang naganap sa laro sa pagitan ng Pisas at Australia ay nagpalit ng lineup ang bansa para sa men’s basketball ng Asian Games na gaganapin sa Palembang at Jakarta, Indonesia mula Agosto 18 hanggang Setyembre 2.
Karamihan sa mga pangalan sa listahan ng Gilas ay mga players ng Elasto Painters. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending