Liza Dino panalo ang istilo sa paglaban sa bashers
BINIGYAN ng send-off media conference ng Film Development Council of the Philippines headed by Chairperson Liza Dino ang anim na Pinoy films na nakasali sa New York Asian Film Festival (NYAFF).
Ang anim na pelikulang tampok sa NYAFF ay ang “BuyBust” at “On The Job” ni Erik Matti, “Neomanila” ni Mikhail Red, “Respeto” ni Treb Monteras, “Sid & Aya (Not A Love Story)” ni Irene Villamor at ang “We Will Not Die Tonight” ni Richard Somes na kasali rin sa 2018 Pista Ng Pelkulang Pilipino na magsisimula on Aug. 15.
Binigyan ng assistance ng FDCP ang mga delegates through their International Film Festival Assistance Program (IFFFAP). Looking forward si Chair Liza na magkaroon ng connection ang ating local filmmakers sa kanilang international counterparts for future projects and collaborations.
On a lighter note, tinanong kami ni Chair Liza kung nagamit na ba namin ang mga ibinigay niyang facial mask sa media launch ng ikalawang PPP.
Ginawa kasing malaking isyu ng netizens ang piktyur niya na naka-facial mask habang nakikipag-meeting with her staff. At least, ‘di pikon si Chair Liza at tini-take lang niya lightly ang mga puna ng haters niya sa internet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.