Michelle Vito sa pagsikat nina Liza at Julia: Kanya-kanyang time lang!
HINDI big deal kay Michelle Vito na sumikat ang ka-batch niya sa Star Magic Circle na sina Liza Soberano, Julia Barretto at Janella Salvador.
When we asked her during the presscon of her movie “Dito Lang Ako” kung ang feeling niya’y napag-iwanan na siya, ito ang sagot ni Michelle, “Okay lang po. Hindi ako nababagalan.
Siguro kasi ka-batch ko sina Liza at Julia, baka naisip nila na napag-iiwanan na ako.
“Naniniwala ako sa tamang time talaga. Time nila ngayon, naniniwala ako na darating din ‘yung para sa akin,” she added.
Bida si Michelle sa “Dito Lang Ako” bilang young Boots Anson Roa. Malaki ang kanyang participation sa movie at nasa poster ang kanyang photo.
“Siyempre, super saya po ako and thankful. Lahat siyempre gustong mangyari ito. Finally, nangyari sa akin ito. Six years ko po itong hinintay,” say niya tungkol sa pagbibida niya sa movie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.