Vice Ganda, Willie love na love sina Joshua at Bimby | Bandera

Vice Ganda, Willie love na love sina Joshua at Bimby

Cristy Fermin - July 24, 2018 - 12:15 AM

SINUMANG mahal ng kanyang mga anak ay mahal din ni Kris Aquino. Ang totoo, kapag mahal nina Josh at Bimby ang sinuman ay doble nu’n ang ibinibigay na pagmamahal ng aktres-TV host, ganu’n siyang magpahalaga sa mga mahal ng anak niya.

Bakit ba napakalapit ng puso ni Kris kay Willie Revillame? Mahal kasi ni Josh ang aktor-TV host, kahit saang network pa lumipat si Willie ay sinusundan ito ng kanyang panganay, at mahal na mahal din ni Willie sina Josh at Bimby.

At kailan lang ay muling nagtagpo ang landas nina Kris at Vice Ganda. Isang block screening para sa pelikula ni Kris ang plano ng sikat na komedyante pero wala itong makuhang schedule sa mga sinehan.

Pinakyaw na lang ni Vice ang mahigit na apatnapung tickets, nag-imbita ito ng mga kaibigang manonood, dumating si Kris Aquino.

Du’n na muling nagkaroon ng tulay sa kanilang pagitan. Tumamlay ang kanilang pagkakaibigan nang mawala na sa ABS-CBN si Kris, pero wala tayong anumang narinig na sinasabi ng magkabilang kampo.

Si Bimby ang dahilan kung bakit hindi nagpadala sa kanyang emosyon si Kris sa kabila ng lahat. Mahal kasi ng bagets si Vice Ganda at hindi man sila nagkikita ay nirespeto ng aktres-TV host ang damdamin ng kanyang anak.

Unti-unti nang nahahawi ang lahat ng mga harang kay Kris at sa kanyang mga kaibigan. Tamang pagkakataon na lang ang kailangang hintayin para lahat ng hindi niya nakasama nang mahabang panahon ay maging abot-kamay na lang niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending