Kilalang male celeb na mukhang pera may kakambal na calculator nang ipanganak | Bandera

Kilalang male celeb na mukhang pera may kakambal na calculator nang ipanganak

Cristy Fermin - July 24, 2018 - 12:15 AM

KUNG anu-anong dahilan ang pinalalabas ng kampo ng isang hindi na kabataang aktor kung bakit hindi natuloy ang pelikulang pagtatambalan nila ng isang sikat na aktres.

Pati ibang tao ay idinadamay niya sa kuwento, meron daw siyang gustong mangyari na hindi nagustuhan ng sikat na female personality, kaya nabalagoong ang proyektong dapat sana’y pagsasamahan nila.

Pero anumang paikut-ikot ang gawin ng male personality ay kinokontra naman siya ng mga totoong nakakaalam ng kuwento.

Chika ng aming source, “Kung anu-anong dahilan pa ang ibinibigay niya, e, marami namang nakakaalam kung bakit hindi natuloy ang movie nila nu’ng female personality.

“Nakailang meeting na si ____ (pangalan ng male personality) at ang umaayos sa movie nila ng female personality), pero kung anu-ano ang hinihingi niya.

“Wala kasi siyang manager, kung sino lang ang makakuha ng project para sa kanya, ‘yun ang kausap niya. Baka nanghihinayang na naman siya sa commission na makukuha ng manager kung kukuha pa siya.

“Alam n’yo naman ang lalaking ‘yun, parang kakambal ng inunan niya ang calculator. Mula nu’ng heartthrob pa siya, e, ganyan na siya kabusisi tungkol sa pagkakaperahan niya,” simulang chika ng aming impormante.

Matindi naman pala kasi ang hinihingi ng male personality mula sa produksiyon. Mas mataas na talent fee. Siya ang dapat mauna sa billing. Pati sa promo ng pelikula ay may mga hinihingi rin siya.

“Naku, tantanan na kasi ang kuwento na hindi naman kapani-paniwala. Nakakaloka siya dahil nu’ng matunugan niyang interesado siyang kunin ng production, e, meron na siyang mga nakahandang demands.

“Ayaw niya namang aminin na ‘yun ang totoo, kaya pinagtatawanan lang siya ng female personality, hanggang ngayon daw, sabi pa ng kampo ng girl, e, wala pa rin siyang ipinagbabago kapag pera na ang pinag-uusapan.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang kailangang clue, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan,” pagtatapos na chika ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending