‘Marawi movie’ nina Robin at PJ kukunan sa mismong war zone | Bandera

‘Marawi movie’ nina Robin at PJ kukunan sa mismong war zone

Reggee Bonoan - July 24, 2018 - 12:20 AM

IPINAKILALA na ang mga bibida sa Marawi movie na ipo-produce ng Spring Films sa pangunguna nina Robin Padilla, Mylene Dizon at Piolo Pascual. Kasama rin sina Jasmine Curtis, Sid Lucero, Ronnie Quizon, Mark Anthony Celebrado, Marc Felix, Jessi Mendoza, Mariam Zimadar at Ronnie Lazaro.

Base sa litratong ipinost ng Spring Films sa kanilang Facebook account ang magiging titulo nito ay “Children Of The Lake” na ididirek ni Sheron Dayoc.

Base sa ginanap na storycon ay isang advocacy film ang “Children Of The Lake” at lahat ng proceeds nito ay mapupunta sa rehabilitation ng Marawi.

Sa mismong lugar kung saan nangyari ang giyera sa Marawi City kukunan ang buong pelikula kaya pansamantalang doon titira ang buong cast. Ayon pa sa producers ng pelikula ay tunay na mga sundalo ang kasali sa pelikula at ilang talents na nakaranas mismo ng gulo sa nasabing bayan.

Si Binibining Joyce Bernal ang creative producer ng pelikula. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi muna siya tumanggap ng ibang movie project pagkatapos ng “Miss Granny” ni Sarah Geronimo, gusto niyang tutukan ang shooting ng “Children Of The Lake.”

Almost a year ang pre-production ng proyekto, natagalan din kasi sila paghihintay ng go signal mula sa otoridad para makapag-shooting sa mismong lugar ng giyera.

“Hindi pa rin kasi 100 percent safe ang lugar, so maraming mga bagay-bagay na kailangan i-consider, like yung clearance,” say pa ng direktor.

Ang target playdate ng “Children Of The Lake” ay kasabay sana ng anibersayo ng Marawi siege sa Mayo, 2019 o sa Hunyo, 2019 para lasabay naman ng Independence Day.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending