HANGGANG ngayon, di pa rin inimbestigahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Malakanyang ang napaulat na ninakaw na P400 million sa vault ng mansion ng mga Ampatuan sa Maguindanao.
Hindi kinokompirma o pinasisinungalingan ang report na lumabas dito sa Target ni Tulfo column.
Nakuha ko ang report sa mga sources sa Philippine National Police (PNP).
Hindi raw puwedeng mag-imbestiga ang PNP hanggang di ito niyayaya ng AFP dahil sa inter-service courtesy.
* * *
Makailang beses kong sinabi sa column na ito na dapat atasan ni Pangulong Gloria ang AFP na imbestigahan ang pagnakaw ng P400 million.
Ang mga Army troops ang nag-secure ng mansion ng mga Ampatuan dahil ibinaba ang martial law noon sa Maguindanao.
Ayon sa aking PNP sources, mga Army ang kumuha ng P400 million.
* * *
Nakakabingi ang katahimikan ng AFP at Malakanyang sa report ng pagnanakaw ng P400 million.
Ayaw siguro nilang gumulo pa ang naging matahimik na paghawak ng militar sa martial law sa Maguindanao.
They don’t want to upset the apple cart, sabi pa sa salitang Ingles. Pero ang pagsasawalang kibo ng AFP at Malakanyang ay nangangahulugan na tinotolera nila ang pagnanakaw ng P400 million.
Kahit na ba sa mga Ampatuan ang pera ninakaw, di pa rin tama na nakawin ang pera.
Stealing is stealing no matter from whom the stolen goods were taken.
* * *
Simula January 10, ipinagbabawal ang pagdala ng baril ng sinuman maliban lang sa mga miyembro ng law enforcement agencies at security forces gaya ng PNP, NBI at Army na nakauniporme.
Complete firearm ban ang ipaiiral ng Commission on Elections o Comelec.
Wala raw exemption sa mga sibilyan.
Okay lang kung ang mga masasamang-loob ay di magdadala rin ng baril.
Ang kaso ang mga kriminal at mga pulis na pasaway ang maghaharing-uri sa total election gun ban.
Paano yung mga sibilyan na may banta sa kanilang buhay?
Paano nila ipagtatanggol ang kanilang sarili kapag nasa bingit sila ng panganib?
* * *
Sasabihin ninyo na iasa na lang sa mga alagad ng batas ang buhay ng mga sibilyan na may banta sa kanila?
Mahirap yatang isipin na maaasahan ang ating mga pulis at ibang alagad ng batas.
Subukan mong tumawag ng pulis kapag may gulo sa inyong lugar. Dadating ang mga pulis kapag wala na ang mga nanggugulo.
May mga gulo na pakana mismo ng mga pulis. Sila yung mga kriminal.
Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 010510
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.